Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco tumaya kay Romualdez na Speaker

0 57

Inendorso ni incumbent House Speaker Lord Allan Velasco si House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez bilang Speaker ng papasok na 19th Congress.

“I believe that his election as Speaker of the 19th Congress will ensure that the legislative agenda of the incoming administration will be pursued and completed. Majority Leader Romualdez has my support and friendship,” sabi ni Velasco kay Romualdez sa isang pulong sa Makati City.

Kasama sa pagpupulong si dating Marikina City Rep. Miro Quimbo, bagong Party-list Foundation Coalition Inc. (PCFI) President at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, Senior Deputy Majority Leader at Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla at Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin.

Si Velasco ay miyembro ng PDP-Laban na nauna ng nagpahayag ng suporta kay Romualdez.

SM food to go Banner Ad

Nagpasalamat din si Velasco sa tulong ni Romualdez sa pagtulak sa mga panukalang batas sa 18th Congress.

Nagpasalamat din naman si Romualdez sa suporta ni Velasco.

Pinag-usapan din ng dalawa ang canvassing ng mga boto para sa pagkapangulo at bise presidente sa susunod na linggo. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.