Abante Tonite Interactive

Velasco walang paki sa mga kritiko

By
0 110

Hindi nababahala ang kasalukuyang namumuno sa Philippine Swimming, Inc. na si Leilani Velasco hinggil sa anumang mga hakbangin at galaw ng mga personahe na naghahangad baguhin ang kasalukuyang liderato ng national sports association sa swimming.

Ito ang sinabi ni Velasco, ang kinikila­lang bagong pangulo ng PSI base sa naganap na eleksyon noong Pebrero 17, 2018, at ayon na rin sa tinatamasa nitong pagkilala mula sa kinaaanibang Philippine Olympic Committee at internasyonal na pe­derasyon na FINA.

“We are pushing through with the members meeting of Philippine Swimming, Inc. tomorrow under the leadership of the va­lidly elected Board of Trustees. We look forward to a fruitful meeting followed by a fun filled Christmas party to celebrate the many achievements in Philippine Aquatics this year,” sabi ni Velasco.

Abante Hiring – IT dep

“We will use this as an opportunity to thank those who have worked tirelessly and selflessly for the betterment of our sport. Thank you for getting my side,” aniya.