Abante Tonite Interactive

Velayo: Team Arnis eeskrima sa SEAG

181

Handa na ang Arnis Philippines Inc. (ARPI) sa paghahanap ng national athletes para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Sinimulan ang paghahanap sa “109th Baguio Day Charter National Arnis Championships” kahapon sa PMA grounds sa Baguio City.

May 28 gintong medalya ang taya sa championship round ngayong Linggo, Oct. 7, ani ARPI president Raymond S. Velayo.
Unang nilaro ang arnis sa 1991 SEA Games bilang demonstration sport kung saan nanalo ang Pilipinas ng 11 sa 16 gold na pinag­labanan.