Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vendor, delivery rider una rin sa bakunahan

0 190

Kabilang na sa mga maaaring maunang mabakunahan ang mga nagtitinda sa palengke, mga empleyado sa grocery o supermarket, delivery service rider at iba pang mga essential worker na humaharap sa mga kostumer.

Sa priority list ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa National COVID-19 Vaccine Deployment Plan, sinama na rin sa A4 group maging ang mga transport worker, pari, rabbi, imam at iba pang lider ng mga religious group.

Kasama na rin ang mga nagtatrabaho sa media, iba pang empleyado ng mga ahensya ng pamahalaan at mga guro.

SM food to go Banner Ad

Kaugnay nito, sinang-ayunan ng ACT Teachers Rep. France Castro ang hakbang sa pagsali sa mga guro sa mas mataas na antas ng prayoridad sa vaccination pero aniya, mawawalan ng silbi ang lilstahan kung kung wala namang maituturok na bakuna.

Kaya hinikayat nito na bilisan ng pamahalaan ang hakbang para makarating nang mas maaga ang vaccine sa bansa. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.