Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vendor itinumba ng kostumer

0 225

Binubusisi ng Cavite police kung may kaugnayan sa droga ang pagpatay ng motorcycle rider sa isang lalaki sa harapan mismo ng kanyang tindahan sa Bacoor City, Cavite Biyernes ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Ricardo Tipawan, nasa wastong edad ng 318 Zapote 1, Bacoor City, Cavite habang pinaghahanap ang suspek na si Rackman Rakim ng 220 Kablusan St., Brgy Zapote 2, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police Station, alas-7:45 kamakalawa ng gabi bumili ng sigarilyo ang suspek sa tindahan ng biktima sa Brgy Zapote 1, Bacoor City, Cavite saka umupo sa nakaparada nitong motorsiklo sa harapan ng tindahan.

Pero tila may hinihintay ang suspek dahil bumili ulit siya ng sigarilyo at muling umupo sa motorsiklo pero nang lumabas ang biktima ay naglabas ito ng baril at pinaputukan ang huli na nagresulta ng agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay pero base sa record ng pulisya, dalawang beses nakulong ang biktima dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.