Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vendor niratrat sa QC

0 394

Patay ang 46-anyos na vendor matapos na pagbabarilin nang malapitan ng riding-in-tandem sa Quezon City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Alpiler Paala, 46, walang asawa, taga-Brgy. Pinayahan, Quezon City. Sa ulat ng pulisya, alas-7:42 ng gabi nangyari ang krimen sa kanto ng Mabilis at Maunawain Street sa nasabing barangay.

Ayon sa saksi na si Michael Callueng, katabi niya na nakatayo sa lugar ang biktima nang biglang dumating ang isang motorsiklo na walang plaka sakay ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng helmet at jacket. Agad na bumaba ang backrider sa at nilapitan nito si Paala saka ilang beses na pinaputukan ang biktima.

Makaraan ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang nga suspek.

Sa eksakminasyon ng SOCO nagtamo ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Paala sanhi ng agaran na pagkamatay nito sa lugar ng krimen. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.