Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ventura kampeon

0 118

PINISAK ni Gio Troy Ventura ng Dasmariñas City, Cavite si Santa Rosa, Laguna bet Mark James Marcellana sa ninth at final round upang masilo ang titulo sa PSC-NCFP Selection Quarter Finals Men’s online chess tournament na nilaro sa Tornelo platform.

Nalugmok muna sa first round kay Emmanuel Asi, humarurot ng tatlong sunod na panalo sa second hanggang fourth round si Ventura para makahabol sa unahan at makuha ang inaasam na titulo.

SM food to go Banner Ad

Giniba ni 14-year-old Ventura sa kanyang unang tatlong panalo sina Janmyl Dilan Tisado, Michel Jackson Ambuang at Christian Marcelo Olaybal.

Natablahan si Ventura ni Freddie Talaboc sa fifth round bago muling kumadena ng panalo hanggang sa huling laro at ilista ang 7.5 points. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.