Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Venus bet si Bea

0 41

Makulay ang buhay ni Ms. Venus Emperado na dating OFW sa Singapore.

Puwede talagang ma-feature ito sa ‘Magpakailanman’ at “Maalaala Mo Kaya”.Madrama ang kanyang karanasan sa buhay.

Bet niyang gumanap sa buhay niya ay si Bea Alonzo dahil nagsikap, sumikat, nagnegosyo, nagkaroon ng malaking farm, bahay at makapamilya. Nakaka-relate siya sa mga pinagdaanan ni Bea kaya bagay raw ito sa life story niya,.

May ala-Dominic Roque din ba siya sa buhay niya ngayon?
“Wala nga po,eh!,” tumatawa niyang pahayag na isang single mom ngayon.

Si Venus ay 1st nominee ng ipaTUPAD o ipaTUPAD For Workers, Inc. partylist. Itinaas ni Robin Padilla ang kamay niya. May video clip naman si Eric Quizon na iniendorso ang boses ng manggagawa sa kongreso.Naniniwala naman si Coleen Garcia sa adhikain ng ipaTUPAD. Kahit sina Digong ,Inday Sara, Chavit Singsong ay suportado ito. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.