Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vergeire: COVID health worker dapat may dagdag benepisyo

0 103

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario na kailangang makatanggap ng mga dagdag na benepisyo, tulad ng special risk allowance (SRA) at hazard pay, ang mga healthcare worker na nag-aasikaso sa mga pasyenteng may COVID-19.

“Lahat ng health care workers both public and private, national ang LGU, are entitled to these benefits. Ang COVID patients po hindi lang positive at negative ang ating pinag-uusapan. ‘Pag sinabi nating COVID patients, kasama po diyan ‘yung suspects at probable na mga kaso. Ibig sabihin may sintomas pa lang ng COVID pero hindi pa nakukumpirma kung sila ay positibo o hindi,” sabi ni Vergeire.

Kaugnay ito sa reklamo ng ilang mga empleyado sa isang ospital ng Muntinlupa. Aniya, sumulat lamang sa Department of Health upang maaksyunan ang problema. (Vinne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.