Abante Tonite Interactive

Versoza, JRU masiglang sumibat

230

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)
12 p.m. – SSC-R vs LPU
2 p.m – San Beda vs Mapua

Kahit tapos na ang kampanya sa NCAA Season 95 Women’s Indoor Volleyball Tournament eliminations, graceful exit pa rin JRU Lady Bombers, binulaga ang Letran Lady Knights, 25-17, 18-25, 25-21, 25-13, Lunes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Bumomba ng 16 puntos si Dolly Versoza kasama ang 19 excellent dig upang bigyan ang Mandaluyong-based team ng 4-5 kartada bago umeksit sa liga sa pagsablay sa semifinals.

“Nag-fall short kami this season hindi namin nakamit iyong goal namin. Pero sabi ko lang din, ‘Last game, all out na lang at the same time focus pa rin sa game’,” litanya ni Versoza.

Kasamang bumuno sa produksyon ng Lady Bombers sina Sydney Mae Niegos na may 14 marker mula sa 9 spike at 4 service aces, Rafaella Jasareno at Riza Rose na may tig-11 pts.

“Sa akin, sayang iyong season, it could’ve been better. But, it’s also good that we ended with a win. At least positive iyong start namin in preparation for next season,” suma ni Rizal coach Mia Tioseco. ­(Aivan Episcope)