Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Versoza, JRU niyanig UPH

0 83

Mga laro sa Biyernes (Paco Arena)
12 nn – CSB vs SSC
2:30 p.m. – MU vs SBU

Pasabog si Dolly Grace Verzosa ng 17 points, 23 excellent digs at 13 excellent receptions para lindulin ng Jose Rizal Lady Bombers ang Perpetual Help Lady Altas, 25-19, 25-20, 20-25, 25-18, sa 97th National Collegiate Athletic Association women’s volleyball tournament elims sa Paco Arena sa Maynila Miyerkoles ng hapon.

Ayudahan sa kanya sina Riza Rose ng 12 markers at tig-10 sina Renesa Melgar at Mary Ruiz, samantalang naka-23 excellent digs si Marianne Alona upang ieskapo sa tatlong semplang ang JRU at sinosyohan sa fifth place ang Lyceum Lady Pirates sa 3-3 win-loss mark.

Kinapos naman ang iniskor na 10 ni Mary Rhose Dapol sa paggulong ng UPH sa 2-4 at pampito. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.