Abante Tonite Interactive

Very memorable sa akin ang MMFF

0 170

Nakakatuwa dahil nangunguna tayong mga Pinoy sa SEA Games sa dami ng nakuha nating gold sa iba’t ibang categories. Tapos maganda rin ang opening, nakakaki­labot. Dun mo mare-realize na marami na ring na-achieve ang mga Pinoy or bansa natin. Nakita ko rin ang mga kinalakihan kong mga athlete. Bata pa ako, kilala at naririnig ko na sina Lydia De Vega, Alvin Patrimonio, Paeng Nepomuceno at marami pang iba na makikita mo sa opening ng SEA Games.

Nawa ay ipagpatuloy nila ang pagpanalo ng mas marami pang medalyang ginto.

***

Habang hindi pa humuhupa ang excitement sa puso ng mga sports enthusiast dahil sa SEA Games, nagsisimula naman ang excitement sa showbiz ngayong pumasok na ang December.

Ito na kasi ang simula ng promotion para sa mga movie entry na kalahok sa MMFF o Metro Manila Film Festival 2019.

Very memorable sa akin ang MMFF at sa a­king acting career, dahil dito na-recognize ang ac­ting ko sa pelikula naming “Mano Po” noong 2002, na pinangunahan ng ating Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano, Kris Aquino, Richard Gomez and the late legendary Mr. Eddie Garcia at Ms. Boots Anson Roa, directed by Joel Lamangan.

‘Yan ang pelikulang nagbigay sa akin ng acting trophy sa MMFF as best actress.

Very challenging ang role ko bilang troubled daughter at sibling.
Isa sa pinaka-highlight at pinag-usapan sa mo­vie ‘yung exposure ng slit ng suot kong red gown sa family occassion namin.

Gusto kong umeksena kahit mabigyan ko ng kahihiyan ang family ko.
Pinag-usapan ang gown na ako mismo ang may ideya.

Nag-worry pa si direk Joel na baka mapa-MTRCB kami dahil sa eskandalosang gown.

Never have I imagine na ‘yung ganyang daring style ng gowns, magiging fashion style sa Hollywood ng mga international stars para lang mapag-usapan. ‘Yung iba, halos kita na ang kaluluwa.

Sa lahat ng entries sa taong ito, goodluck sa inyong lahat. Mabuhay po ang pelikulang Pilipino.