Abante Tonite Interactive

Veteran actor ‘kinatay’ ng male personality

0 1,263

NAKU, kung totoo ngang nakakagat ng tao ang kanyang dila kapag pinag-uusapan siya ay baka wala nang dila ngayon ang isang pamosong male personality, sa totoo lang.

Mga taong-produksiyon ang magkakaumpukan, nakatrabaho na ng mga ito ang sikat na male personality, at may kani-kanya silang kuwento tungkol sa mga kakuwanan ng aktor.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Kumpleto na sana ang tagumpay niya, e! Kaso, kailangan niyang mag-undergo ng anger management! Mainitin ang ulo niya! Pikon!

“Imagine, nu’ng minsan, e, may ipinipilit siyang eksena, natural lang na kontrahin ‘yun ng mga writers, hindi kasi magiging kapani-paniwala ang gusto niyang mangyari!

“Sige pa rin siya sa kapipilit na kailangang gawin ang eksenang ‘yun, kontra naman nang kontra ang pool of writers, mapagtatawanan kasi sila!

“Ayun, ipinilit pa rin niya ang eksena, ano tuloy ang nangyari? E, di pamba-bash ang inabot ng serye dahil hindi naman kasi believable ang eksenang ipinalabas nila?

“Ang maipilit kasi ng bumibidang ‘yun!” unang komento ng isang source.

Dahil ang pakiramdam nga ng male personality ay siya lang naman ang inaabangan ng mga telebyuwers, ang mahahabang eksena ng ibang artista ay kinakatay, idinadagdag ‘yun para sa kanya bilang bida.

Isang impormante naman ang nagkuwento, “Nu’ng minsan, e, halatang-halata ang pagkainis ng isang veteran actor dahil napakaaga niyang nag-report sa taping. Hapon na, e, hindi pa rin siya nakukunan, antok na antok na siya!

“Gabi na nu’ng kunan ang eksena niya, napakaigsi, dahil kinatay nu’ng bida nila! Ang hahaba pa naman ng mga dayalog niya, siguradong makakabog niya ang bida!

“‘Yun ang naisip na dahilan ng mga nandu’n sa set kung bakti pinaigsi na lang ang role niya! Ayaw na ayaw pala ni sir na natatabunan siya sa eksena, kailangang bidang-bida talaga siya!” tawa nang tawang kuwento ng impormante sa umpukan.

Para paigsiin na lang ang kuwentuhan ay isa lang ang nasabi ng isa pang source, “Naku, busugin n’yo na lang siya! Ibili n’yo siya ng tinapay na kapangalan niya!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sharon , Kris echoserang palaka

PAREHONG pansamantalang nagpaalam sa mundo ng social media sina Kris Aquino at Sharon Cuneta. Nagbigay ng paliwanag si Kris, ang kanyang pagpapagamot ang dahilan, pero si Sharon ay walang binanggit na anuman.

Silang dalawa ang kasama sa listahan ng mga artistang nakatira sa harapan ng kanilang gadget. Magpapaalam sila sandali, pero agad-agad din namang nagbabalik, kaya tinatawag silang mga echoserang palaka.

Hindi kagandahan ang mga posts na mababasa ngayon tungkol kay Sharon, naglipana ang kanyang mga bashers, maraming naiinis-naaartehan sa kanya.

Hindi na nga raw sumasagot ang kanyang anak na si KC sa kanyang mga parinig ay sige pa rin siya nang sige. Talaga raw idinidikdik niya sa kahihiyan ang kanyang panganay.

Mas naiinis din si Sharon, bakit daw ibinabalik sa kanya ang mga ipino-post niya, ganu’n daw siguro talaga kapag nasasaktan. Umaaray.

Pero mas mukhang magiging epektibo ang suhestiyon kay Sharon ng ating mga kababayan, bashers man niya o may malawak na isip, kailangan nila ng komunikasyon ni KC para matapos na ang kanilang sigalutan.

“Naturingan silang mag-ina na dapat, e, may open line for communications, kaya bakit sa social media sila nag-aangilan? Napakadali namang tapusin ang kung anumang meron sila!

“Communications lang, ‘yun lang ang kailangan nila, kaya tantanan na ang mga parinigan sa social media na lalo lang nagbabaon sa kanila sa kahihiyan!

“Kung ayaw nilang magbaba ng pride, ipa-Raffy Tulfo na lang nila ang away nila, sampung milyon na ang subscribers ng You Tube channel ni Tulfo, mas matinding exposure ‘yun!” naiinis namang komento ng kaibigan naming propesor.

Ha! Ha! Ha! Ha!