Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Veteran actor natukso sa young personality

0 323

Ginagawa ang lock-in taping para sa kaligtasan ng lahat ng kasama sa trabaho. Mula sa mga artista, production staff, hanggang sa mga utility ng produksiyon.

Lahat sila’y dumadaan sa masusing pagsunod ng network sa mga health protocols, kapag may nag-positive sa swab test ay hindi na kasama, kaya ligtas sa COVID-19 ang lahat ng mga naka-lock-in taping.

Kuwento ng aming source, “May mga milagrong nangyayari sa ganu’ng sistema ngayon ng trabaho. Dahil tumatagal sila du’n nang dalawa hanggang tatlong linggo, natural lang na nalulungkot ang lahat ng nasa isang lugar lang kung saan ginaganap ang taping!

“May mga dating magkarelasyon na nagkakabalikan, meron namang nu’n lang nagkasama sa work na nade-develop ang pagtingin sa isa’t isa.

“Maraming kuwentong nangyayari, siguro nga, e, nadadala sila ng tukso, kaya nangyayari ang ganu’n,” unang hirit ng aming impormante.

Palihim na pinagpipistahan ngayon sa taping ng isang serye ang milagrong naganap sa pagitan ng isang guwapong veteran actor at sa isang young personality.

“Kalat na ang kuwento, pinag-uusapan na sila ngayon sa set. Age is just a number, sabi nga, kaya nahulog ang loob ng young personality sa veteran actor.

“Kapag tapos na pala ang kanilang trabaho, e, palaging nagpupunta ang girl sa room ng veteran actor. Natural, alangan namang naglalaro lang sila du’n ng chess, di ba?

“Naamuyan ‘yun ng isang production staff, takang-taka ang nakapansin na madalas sa room ng veteran actor ang girl!” unang kuwento ng aming source.

Ayon sa mga nakaalam ng kuwento ay mahilig talaga ang young personality sa mga lalaking may edad na. Kapos na kapos daw kasi ito sa pagmamahal ng isang ama.

Patuloy ng aming source, “Ganu’n talaga ang nangyayari sa mga kulang sa pagmamahal ng tatay. Lumaki silang walang father figure, kaya ang tendency nila, e, makipagrelasyon sa halos tatay na nila.

“E, ang girl na ito, talagang lumaki siyang walang nakasamanag tatay. Nanay lang niya ang nakasama niya habang lumalaki siya. Maganda ang bata, kaya ayun, natukso ang veteran actor, nagkaroon ng lock-in sa lock-in taping!

SM food to go Banner Ad

“Kunsabagay, malungkot din naman ang buhay ng veteran actor, matagal na siyang walang ka-partner sa buhay. Para siyang kahoy na tuyot na tuyot na, kaya konting init lang, magdidingas na talaga siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Pokwang iniyakan si Willie

Nakakahon na ang pagpirma ng kontrata ni Pokwang sa GMA-7. Magiging Kapuso na ang ilang dekadang naging Kapamilya. May sigaw ang ating mga kababayan ngayong magtatrabaho na si Pokwang sa GMA-7.

Ang kanilang hiling, ang maging co-host sana uli ni Willie Revillame ang komedyana sa Wowowin-Tutok To Win, dahil napakatagal nilang naging magkasama nu’n sa Wowowee ng ABS-CBN.

Tumatanaw nang matinding utang na loob si Pokwang sa kanyang Kuya Wil, pinahahalagahan niya ang tulong na naibigay ni Willie sa kanyang career, naluluha nga siya kapag naaalala ang masasayang araw nila nu’n sa Wowowee.

“One time, napadaan ako sa Wil Tower, nakita ko si Kuya Wil, nakatayo sa may harapan ng building niya. Binuksan ko ang bintana ko, sumigaw ako, ‘Kuya!!!’ Sumagot siya, ‘Pokie, ano na? Kumusta ka na?’

“Napakasaya ko, nakita ko uli siya kahit malayuan lang! Naaalala ko pa, gustung-gusto niya ang sopas na iniluluto ko. Palagi ko siyang dinadalhan nu’ng magkasama pa kami,” nagmemelangkolyang pag-alala ng komedyana.

Bago siya tuluy-tuloy na sumalang sa maraming trabaho niya sa GMA-7 ay gustung-gusto niyang dalawin nang personal si Willie Revillame para magbigay-pugay.

Sabi niya, “May mga nangyari nu’n na pareho naman naming hindi ginusto. Nagkahiwalay kami, pero araw-araw ko siyang ipinagpe-pray. Hindi ko malilimutan ang napakalaking tulong na ibinigay sa akin ni kuya.

“Ang mga payo niya, ang dami-dami kong natutuhan sa kanya. Haay naku! Naiiyak na naman ako. Tinatanong ako ni Tisay, ang anak kong Inglisera, bakit daw ako umiiyak?

“Sabi ko, e, mamaya ko na lang sasabihin sa kanya kung bakit, English na naman kasi, pahihirapan na naman ako ng anak ko!” tawa-iyak na sabi ni Pokwang.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.