Abante Tonite Interactive

Veteran singer-actress binastos ng aktor

522

Kung magsasalita lamang sa media ang isang veteran singer-actress ay malalagay na naman sa peligro ang career ng actor.

May kinalaman ito sa pagiging bastos niya kapag ito’y nasa ilalim ng impluwensiya ng kanyang bisyo.

May mga lalaking anak ang veteran actress. Malamang ay bugbugin nila ang aktor oras na nalaman nila ang ginawa nitong pananalbahe sa kanilang ina.

Pero, minabuti nang manahimik ng aktres kaysa magkagulo pa at masangkot pa ang kanyang mga dyunakis.

Ipinagdarasal na lamang ng veteran actress na magtuloy-tuloy na ang pagbabago ng aktor nang wala nang iba pang mabiktima.

‘Panti Sisters’ wagi sa takilya, panalo pa sa award

Patuloy na humahataw sa takilya ang “The Panti Sisters” sa ongoing Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Ito’y pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

Sa first two days pa lamang ng pelikula ay kumita ito ng mahigit P36-M.

Bukod sa panalo sa takilya ng “The Panti Sisters”, nanalo rin ito ng Best Actor (Martin del Rosario), Best Production Design at Audience Choice Award.

Ngayong tapos na ang awards night (last Sunday) na ginanap sa One Esplanade, umaasa naman ang ibang pelikulang kalahok na makakatulong ang mga award na nakuha para pasukin ng mga manoood.

Ang psycho-killer, suspense-action-drama movie na “Watch Me Kill” na pinagbidahan ni Jean Garcia ay siyang nanalo ng Best Director for Tyrone Acierto, Best Editing at Best Cinematography, habang ang “LSS (Last Song Syndrome)” ay nakapag-uwi ng limang awards – Best Supporting Actress (for Tuesday Vargas), Best Original Song, Best Sound Design, Special Jury Award at PistApp Audience Choice Award.

Valerie no show sa ‘Marineros’

Except for Valerie Concepcion na nasa Amerika ngayon, dumalo ang buong cast ng “Marineros (Men in the Middle of the Sea)” na pinangunahan ni Michael de Mesa sa red carpet premiere.

Dumalo rin ang ibang bumubuo ng cast tulad nina Ahron Villena, Jon Lucas, Claire Ruiz, Alvin Nakasi, Paul Hernandez, Jef Gaitan at ang actor-director ng pelikula na si Anthony Hernandez.

Marami ang makaka-relate sa pelikulang “Marineros (Men in the Middle of the Sea)” dahil ito’y kuwento ng buhay ng mga seamen na nagtatrabaho sa gitna ng laot na malayo sa kanilang mga pamilya. Nakatakdang ipalabas ito sa September 20.