Abante Tonite Interactive

Veteran singer sablay ang mga nota

By
491

Nagkalat ang isang male veteran singer (MVS) sa isang malaking event kamakailan.

Pinaghalong showbiz at politics ang mga imbitado sa nasabing event kung saan kaawa-awa ang naging performance ni MVS.

Pagdating pa lang ni MVS ay medyo nalerky na ang mga utaw dahil kakatwa ang itsura nito at hindi mo malaman kung may sakit o may problemang pinagdadaanan.

Pati ang buhok ni MVS ay hindi mawari at nang bumanat na ito ng kanta ay sobrang sablay ang mga nota nito at dinig na dinig ng lahat ang pagkakalat nito at pagiging sintunado.

Ang totoo, sa itsura pa lang ni MVS nu’ng gabing ‘yon ay alam mo nang wala ito sa kondisyon at hindi na ito dapat sumalang pa sa entablado.

Ang nakakalerky pa ay late dumating si MVS, so tapos nang magsikanta ang mga sikat at magagaling na singers na guest din.

Mas lalo tuloy nahalata ang pagiging epic fail ni MVS dahil mahuhusay at pawang professional ang mga naunang nag-perform sa kanya.

May second song pa dapat si MVS pero hindi na ito pinaawit matapos magkalat. Nanlumo ang mga nakarinig at tila gumuho ang kanilang paghanga sa dating iniidolo na si MVS.

Ang saklap pagmasdan na tila walang pakialam si MVS sa kanyang lousy performance at ang mahalaga lang sa kanya ay ang TF na ibabayad sa kanya dahil obviously ay kailangan na kailangan niya ng pera.

How sad…