Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VFA extension ginagapang ni Digong

0 90

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makausap ang mga opisyal ng gobyerno ng Amerika bago pagpasyahan ang pagpapalawig sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa kanyang Talk to the People noong Lunes ng gabi, pahapyaw na binanggit ng Pangulo ang VFA extension habang nanggagalaiti sa inis kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Ayon sa Pangulo, magpapasya lamang ito sa posibleng pagpapalawig sa VFA kapag may nakausap itong opisyal mula sa tanggapan ng Presidente ng Amerika o kaya ay sa US State Department.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Itong Visiting Forces Agreement, ang extension niyan is on deck, on the table. Ngayon, I just want to talk to some people in Washington, be it from the Office of the President or the State Department or the Defense Department,” anang Pangulo.

Matatandaang makailang beses na pinalawig ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng VFA habang sinisikap ng Amerika at Pilipinas na plantsahin ang mga hindi pagkakaintindihan sa kasunduan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.