Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VFA palit bakuna hindi blackmail – Malacañang

0 115

Nilinaw ng Malacañang na hindi pamba-blackmail ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung hindi bibigyan ng Amerika ng bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas.

“Hindi po `yan blackmail. Iyan po ang ibig sabihin ng independent foreign policy. Hindi po tayo sunud-sunuran, hindi po tayo didiktahan ng kahit sino. Dahil tayo ay magkakaibigan dapat magtulungan tayo. Kailangan namin ng vaccine, may vaccine kayo, bigyan niyo kami,” ani Roque.

Hindi aniya dapat masamain ng Estados Unidos ang mga naging pahayag ni Pangulong Duterte dahil kilala naman itong diretsong magsalita.

Pinuna ng ilang senador ang naging pahayag ng Pangulo na tila blackmail umano sa Amerika.

“Kinakailangan ninyo ang aming teritoryo para sa Visiting Forces Agreement, sige ibibigay namin `yan pero kung hindi ninyo naman kami bibigyan ng bakuna eh doon kayo mag-VFA sa mga bansang naunang binigyan niyo ng bakuna. `Di ba tama naman `yan,” wika ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.