Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VFA renewable kada 5 taon hirit ng mga cong

0 65

Pabor ang ilang lider ng Kamara sa panukala ng Senado na ipagpatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika at gawing itong renewable kada limang taon.

Ayon kina Deputy Speaker Mikee Romero, House committee on labor chairperson Eric Pineda at House committee on micro, small, and medium enterprises chairperson Virgilio Lacson, hindi maitatanggi na makatutulong sa bansa ang presensya ng Amerika.

Sabi ni Romero, marami ng nagbago mula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA katulad ng pagkapanalo ni US President Joe Biden.

“Having an ally like the US – who is just like a Big Brother to us – will be very crucial for us, primarily because we also need to have an appropriate response to what China has been doing in our territorial waters, not to mention their new Coast Guard laws,” wika naman ni Pineda. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.