Abante Tonite Interactive

Vhong balik sa kandungan ni Toni

400

Ni: VINIA VIVAR

Isa si Vhong Navarro sa additional cast sa bagong chapter ng “Home Sweetie Home Extra Sweet” along with Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Rio Locsin, Luis Manzano, Edgar Mortiz who also directs the show at ang “PBB Otso” housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.

Sa mga original cast, siyempre, nandiyan pa rin ang lead actress ng sitcom na si Toni Gonzaga as Julie, ganundin sina Miles Ocampo, Clarence Delgado and some of the supporting cast.

Abante Hiring – IT dep

Hindi man diretsang sabihin, lumalabas na si Vhong ang pumalit sa puwestong iniwan ni Piolo Pascual na unang iniwan naman ni John Lloyd Cruz.

Pero hindi pa masabi nina Toni at Vhong kung magiging love interest ba nila ang isa’t isa rito but siyempre, open naman sila sa possibility na ‘yun. Malalaman naman daw ‘yan in the coming days.

Matatandaang unang nagkasama sina Vhong at Toni sa sitcom na “Wazzup Wazzup” ng Studio 23 at dito unang nakita ang maganda nilang chemistry kaya binigyan sila ng pelikula, ang “D’ Anothers” at nasundan pa ng “My Only U” na parehong nag-hit sa takilya. Nagkasama rin sila sa teleseryeng “Kokey @ Ako”.

Sa presscon na ginanap last Thursday night ay natanong si Vhong kung ano ang feeling na reunited ulit sila ni Toni.

“Sobrang saya ko na makakatrabaho ko rin si Tin (tawag niya kay Toni) kasi sobrang haba ng pinagsamahan namin. Halos araw-araw kaming magkasama sa ‘Wazzup Wazzup,’ tapos gumawa pa kami ng pelikula.

“Kaya eto ‘yung pagdating sa comedy at tambalan, talagang ‘yan ang kasama ko talaga. So, eto na nga ulit, binigyan ulit kami ng pagkakataon ng ABS-CBN na magkasama sa sitcom,” ani Vhong.

When asked kung may pressure ba on his part sa fact na sina John Lloyd at Piolo ang kanyang pinalitan, ani Vhong ay isang team naman silang pumasok sa sitcom at hindi naman siya lang.

“Ang pagpasok ko naman dito eh, as a team kami, eh. Kumbaga, hindi naman dahil ako lang ‘to. Kung baga, gusto kong mag-work ‘yung ‘Home Sweetie Home Extra Sweet’ hindi dahil sa isang karakter. Gusto ko ‘yung buong pamilya namin ay magwo-work as one.

“Kasi, bagong chapter na siya, so siguro naman, hindi na ito ‘yung maihahalintulad ka du’n sa nauna. Kumbaga, bagong buhay na ito ni Julie kasama ‘yung bago niyang pamilya at ‘yung bago niyang makakasama.

“Basta sa amin, ako, ibibigay ko lang ‘yung best ko, kung ano ‘yung puwede kong maitulong du’n sa bagong sitcom namin,” pahayag ni Vhong.

Natakot manligaw

Sa presscon ay nabanggit ni Toni na sobrang close nila ni Vhong to the point na nag-borderline ito sa pagiging magdyowa at nag-crossover sa pagiging magkapatid.

“Kasi, si Vhong ang unang naging close ko sa ABS-CBN,” pagbabahagi pa ni Toni.

When asked kung nanligaw ba sa kanya ang dating ka-love team, aniya ay hindi raw, pero sabay-tanong din kay Vhong ng ‘nanligaw ka ba?’” Hindi naman nakasagot itong isa at natawa na lang.

Pagre-recall ni Toni, nang una raw niya ka­sing nakilala si Vhong ay may girlfriend ito. Kaya talagang naging barkada lang daw talaga ang turingan nila.

Hirit naman ni Vhong, “paano kasi ako manliligaw, nakabantay ang parents mo?” Tawanan.

Dagdag pa niya, “kasi, hindi ka rin makakaporma noon, eh dahil sa rami ng nakapila sa dressing room namin na mga manliligaw niya.”

Seriously, ani Vhong, natakot daw siyang ligawan si Toni dahil baka mabasted siya bukod pa nga sa ayaw niyang masira ang kanilang friendship.

“Inisip ko dati, kung liligawan ko si Tin, parang ayokong masira ‘yung binuo naming friendship, tapos, lagi ko siyang katrabaho. Araw-araw, magkasama kami. Parang hindi maganda kung magiging kami.

“At natatakot din ako, baka kung hindi pala equal ‘yung nararamdaman namin, tapos mabasted ako, ano ‘yung mararamdaman ko, ‘di ba? Tapos katrabaho ko siya,” ani Vhong.

Type mag guest si Joey De Leon

Natanong naman ang main cast kung sino ang gusto nilang mag-guest sa “Home Sweetie Home” at ang sagot ni Vhong ay si Joey de Leon.

“Gusto ko siyang mag-guest sa ‘Home Sweetie’ kasi hindi ko pa siya nakakatrabaho, at gusto ko siyang makatrabaho, at para rin magulat lahat ‘pag siya’y nag-guest,” saad ni Vhong.

Dagdag pa niya, “para kakaiba.”

Respeto sa ‘ermitanyo look’ ni Lloydie

Nahingan naman ng opinyon sina Vhong at Bayani sa bagong look ngayon ni Lloydie na tinatawag nga ng iba na “ermitanyo look” dahil nga mahaba ang buhok at balbas nito.

“Kaibigan ko si Lloydie, eh, so siyempre, respetuhin natin kung ano ‘yung gusto niyang hitsura. Kasi, ano ‘yan, kanya-kanya tayo, eh. Like ako, ito ang gusto ko, magguguhit dito ng buhok. Eh ‘yun ang gusto niya, magpahaba ng buhok, respetohin po natin ‘yun,” pahayag ni Vhong.

Ayon naman kay Bayani, nagkita sila ni Lloydie kamakailan sa dinner sa Malacañang and he was so happy to see him.

“Niyakap ko nga siya at nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-holding hands. Nag-usap kami. Sabi ko, ‘I missed you.’ Sabi niya, ‘I missed you too,’” kuwento ni Yani (tawag kay Bayani).