Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vhong ginagamit ni Ryan

0 204

Sa It’s Showtime, naikuwento ni Vice Ganda kung paanong nagngangalngal sa kanya si Ryan Bang dahil kay Jhong Hilario.

Kasalukuyan kasing nakabakasyon pa sa nasabing show ang konsehal ng Makati dahil bet muna nitong magpokus sa kanyang pamilya.

Since naka-remote raw sila ngayon sa Pampanga, nangulit daw si Ryan kay Vhong Navarro.

Close kasi si Ryan kay Jhong .Aminado itong nami-miss na ang co-host na pinagsasabihan niya ng kanyang mga hinaing.

Sa ganitong punto, kay Vhong gustong maglambing ng Korean actor.

“Hindi ako maka-doorbell kaya kinakatok kita,” sey ni Ryan kay Vhong.

“Good night gusto mo bukas pinto pa? Ganun?,” sagot naman ni Vhong.

Pambubuking naman ni Vice:”Oh ito ang di niyo nasaksihan pag alis nila Ate Lani sa kwarto ko, bumalik yan. Lasing di ba? Umiiyak. Umiiyak dahil nami-miss na raw niya si Jhong”.

Nagtawanan naman ang mga co-host ni Vice sa kanyang rebelasyon.

Nagpaliwanag naman si Ryan sa kanyang pangungulit kay Vhong.

“Ayaw kasi niya buksan yung pinto. Kasi lagi kong roommate si Kuya Jhong, kaya na-miss ko Kuya Jhong,” ani Ryan.

SM food to go Banner Ad

“So nami-miss mo si Jhong tas sakin ka kakatok, ano ginagamit mo lang ako?”ganti ni Vhong.

Peralejo kinain ang salita

Hindi pa rin tinantanan ng pambabatikos ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo.

Vocal na kasi siya ngayon sa kanyang relasyon kay Kiko Estrada na nakasama niya noon sa isang teleserye.

Sa kanilang Instagram accounts,ibinahagi din nila ang kanilang pagmamahalan sa publiko sa kabila ng mga negatibong mga reaksiyon ng maraming netizen sa kanilang pagkakamabutihan.

Agaw-pansin ang caption na “his” ang ipinost ni Heaven kamakailan kalakip ang pictures nila ni Kiko.

Samantalang “I love you” naman ang nilagay na caption ni Kiko sa kanyang IG na sinagot naman ni Heaven ng “I love you too” sa comment section ng post ng aktor.

Dahil dito, hindi tuloy napigilan ang ilang patuloy na nagne-nega sa kanilang relasyon.

Muli ring naungkat ang kontrobersya noon kaugnay ng pagkakaugnay niya kay Kiko kung saan nadamay pa ang ibang kasamahan nila sa kanilang natapos na serye.

Matatandaang pinabulaanan noon ni Heaven sa isang panayam na siya ang third party sa hiwalayan nina Devon at Kiko.

Nauurot tuloy ang aktres na kinain niya ang kanyang salita dahil in the end, sila na ngayon ang magkarelasyon ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.