Abante Tonite Interactive

Vhong ikakasal na sa Nov. 29

1,000

Ni: Allan Diones

Finally! Ikakasal na si Vhong Navarro at mangyayari ‘yon bago matapos ang buwang ito.

Sa November 29 ang wedding ni Ferdinand ‘Vhong’ Hipolito Navarro sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Winona Bautista. Magaganap ‘yon sa Japan.

Sa pagkakaalam namin ay nag-celebrate sina Vhong at Tanya ng kanilang 11th anniversary as a couple nu’ng September this year.

Sa anniv post na pinost ni Vhong sa IG, ang caption niya ay, “Hindi man ikaw ang aking kahapon, subalit ikaw ang aking ngayon, at gusto kitang makasama bukas at habang panahon. Happy anniversary, mahal. I love you so much!”

May mga nag-comment sa post na ‘yon na sana ay pakasalan na ng “It’s Showtime” host si Tanya dahil sobrang mahal daw siya nito at hindi siya iniwan nu’ng magkamali siya at masangkot sa kontrobersiya nu’ng 2014 with Deniece Cornejo and Cedric Lee.

In fairness ay palaging sinasabi ni Vhong na si Tanya na ang kanyang forever. At ang sabi niya sa interviews, intimate wedding lang ang gusto nila para tipid at dahil hindi naman daw showbiz ang kanyang nobya.

Nagwu-work si Tanya sa entertainment production ng ABS-CBN. Writer ito ng ilan sa mga Kapamilya TV series.

May dalawang anak na lalaki ang 42-anyos na si Vhong. Ang panganay na si Bruno (23) ay anak niya sa isang non-showbiz girlfriend at ang pangalawang si Yce (21) ay anak niya sa dating aktres na si Bianca Lapus.

Kinasal sila ni Bianca nu’ng 1998 at na-annul ang marriage nila nu’ng 2008. Ilan sa mga nakarelasyon ng dancer-comedian-TV host sa showbiz ay sina Diana Zubiri at Desiree del Valle.

Our best wishes kina Vhong at Tanya!!