Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vhong, Jhong nag-away noon kay Juday

0 235

Ibinuking ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” na nag-away pala noon sina Vhong Navarro at Jhong Hilario kay Judy Ann Santos.

Sa takbo ng kwento ni Vice Ganda, parehong nanligaw ang dalawa kay Juday pero si Wowie de Guzman ang sinagot ng aktres.

“Nag-away pa kayong dalawa, ang ending, ang nagwagi, si Wowie,” pang-aalaska ni Vice kay Vhong.
Hindi naman ito itinanggi ni Vhong. Natatawang sey niya, “basted pala pareho.”

Pang-aasar pa ni Vice, “sana tinanong n’yo agad si Judy Ann, ‘gusto mo ba ng Streetboys?’ ‘Ayaw, gusto ko UMD!’”
Sina Vhong at Jhong ay dating parehong miyembro ng Streeyboys dance group habang si Wowie naman ay member ng Universal Motion Dancers o UMD. Ang nasabing dalawang dance group ay parehong sikat na sikat noong dekada 90.

Pag-amin ni Vhong, “kasi si Juday, talagang masarap kausap, napakabait, kung baga, talagang ano, eh, iba, eh. Saka Judy Ann ‘yun. Parang wala, iba, na-in-love kami noong panahon na ‘yun.”

Agree naman si Vice sa mga sinabi ni Vhong na ibang klase talaga si Juday at talagang nakapabait.

Leave A Reply

Your email address will not be published.