Abante Tonite Interactive

Vhong at Karylle, nagko-concert sa Las Vegas habang nagaganap ang barilan

By
17

DAHIL nasa Las Vegas­, Nevada para sa Tawag Ng Tawanan concert nila sina Vhong Navarr­o at Karylle noong Linggo kung saan ay may naganap na mass shooting­, marami tuloy ang nangam­ba para sa dala­wang It’s Showtime hosts, pati sa mga taong involved sa nasabing event.

Pero safe na safe naman sina Vhong at Karylle­, pati lahat ng involved sa Tawag Ng Tawanan concert sa Las Vegas.

Nang maganap ang mass shooting ay kasalu­kuyang nagso-show pa ang grupo nina Vhong at Karylle at nalaman na lang nila ang tungkol doon nang matapos na ang kanilang concert.

Naganap ang mass shooting sa Route 91 Harvest Festival na malapit sa Mandalay Bay Resort and Casino na nasa Las Vegas Strip samantalang ang venue naman ng Tawag Ng Tawanan­ ay nasa Sam’s Town Live na halos 9 miles ang layo sa pinangyarihan ng mass shooting.

Nang tawagan nga namin noong Lunes ng gabi (kahapon ng tanghali sa ‘Pinas) ang isa sa mga tumulong sa nasabing concert, si Vic Perez­, ibinalita niya sa amin na nasa Tom Bradley International Airport na sina Vhong at Karylle at nagtse-check-in na sa kanilang flight pabalik ng ‘Pinas.

“They’re safe. We’re all safe. Malayo naman ang venue namin sa Route 91 Harvest Festival dahil nasa may bandang Mandalay Bay Resort and Casino, pero nalungkot ang lahat ng mga kasamahan namin nang mabalitaan ‘yon,” pahayag ni Vic, na kilalang show producer­/promoter sa Amerika.

Samantala, mara­ming celebrities sa ating bansa ang humiling na ipagdasal ang mga biktima ng nasabing mass shooting.

***

MAY show naman sa Alex Theater sa Glendale, California ang hunky actors na sina Albie Casiño, Vin Abrenica, Marco Gumabao, Markki Stroem, Jay Gonzaga at Victor Basa.

Sexy show raw ang Magic Men Live sa November 10 kung saan ay kasama ang ilang stand-up comedians from ‘Pinas sa pangu­nguna ni Super Tekla (na kahit natsugi na sa Wowowin ni Willie Revillame ay marami na ring fans sa Tate).

Si Marco nga pala, kahit nagsalita noong una na binawi raw ang imbitasyon sa kanya sa Star Magic Ball 2017 dahil mula nga sa pangangalaga ng Star Magic ni Mr. M (Johnny Manahan) ay lumipat na siya sa Viva Artists Agency ay naka-attend pa rin naman noong Saturday sa nabanggit na big event ng Kapamilya network.

Nagpaliwanag ang anak ni Dennis Roldan na a few days before the said event ay tinanong siya ng dating handle­r niya sa Star Magic kung a-attend ba siya kung sakaling imbitahan siya uli at umoo naman daw siya at du­ring the Star Magic Ball ay naging OK naman daw ang lahat.