Abante Tonite Interactive

Vhong nagalit kay Vice

497

Nilinaw ni Vhong Navarro na wala siyang gout tulad ng itsi-nitsismis ng kanyang co-host sa It’s Showtime na si Vice Ganda. Ito ay matapos mag-trending last Friday sa Twitter ang hashtag na #VhongHasGout.

Absent kasi that day si Vhong at panay ang biro ni Vice Ganda na may gout daw ang co-host.

Ang nakakatawang parte, nagtext ang nanay ni Vhong sa kanya at itinatanong kung totoo ngang may gout siya. Nag-aalala siyempre si madir sa kanyang anak.

Isinend ni Vhong sa group chat ang screenshot ng text message ng nanay niya . Galit na galit din umano siya kay Vice.

Ang ginawa naman ni Viceral ay ipinakita sa madlang pipol ang text.

On air ay sinagot ni Vice ang nanay ni Vhong.

“Tita, kilala niyo po ako, komedyante po ako pero hindi po ako sinungaling,” mensahe ni Vice sa nanay ni Vhong.

In-encourage rin ni Vice Ganda ang viewers na mag-twet na gamit ang hashtag na #VhongHasGout na ginawa naman ng mga ito kaya mabilis itong nag-trending at umabot sa top 3.

Maya-maya ay nag-post si Vhong ng video na nagpapatunay na wala siyang gout and instead ay parang may mga allergy lang siya na marahil ay dahilan kung bakit hindi siya nakapunta sa show.

“Gout ba yan ha @vicegandako ha? ha? SaGout! LaGout ka sa akin bukas,” caption ni Vhong sa video.
***
Binasag ni Julia Montes ang kanyang katahimikan para lang magbigay ng kanyang suporta sa kanyang home network, ang ABS-CBN.

Tulad ng ibang Kapamilya stars, Julia showed his support to the network sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang Instagram account ng picture logo ng ABS-CBN in celebration of its 65th anniversary. Nag-post din siya ng larawan ng poster ng Mara Clara, ang show niya sa ABS-CBN when she was still in her teens.

Julia binasag ang katahimikan

“Maraming Salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasya sa ating mga Kapamilya saan ma’ng sulok ng mundo…

“Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo nyo ang mga pangarap…

“Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang konting pong kakayahan kong binigay ng Diyos…

“Salamat pong muli KAPAMILYA,” ang caption ni Julia.

Noong Marso pa ang huling post ng aktres at ito ay nang yumao si Chokeleit. Ipinost niya ang birthday greetings nito sa kanya last year at ipinahayag niya ang kalungkutan sa pagpanaw nito.

May ilang buwan na ring inactive sa social media si Julia at kahit kasagsagan ng issue sa kanya na diumano’y buntis siya’t nanganak ay wala tayong narinig mula sa kanya.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood ang aktres dahil ang huling project pa niya ay Asintado na natapos noong October, 2018. Kaya naman sa comments thread ay napakaraming nagsabing nami-miss na nila ang Kapamilya star kabllang na ang mga kasamahan sa network.

Samantala, patuloy pa ring umaapaw ang suporta ng mga Kapamilya stars sa kanilang network na pinagtatrabahuhan. Ilang araw nang sunod-sunod ang mga post nila sharing their experience kung gaano sila natulungan ng istasyon.