Abante Tonite Interactive

Vhong nakakatulog nang mahimbing

Guilty sina Cedric, Deniece

4,147

Nagpapasalamat si Vhong Navarro sa bagong development na nakarating sa kanya hinggil sa isa sa mga kasong isinampa niya laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa, kaugnay ng 2014 tragic encounter nila.

“God is really good,” simpleng message reply nito nang kunin namin ang kanyang reaksyon.

“Mas makakatulog na kami ngayon nang mahimbing at sana, very soon yung buong katotohanan na ang mabigyan ng hustisya,” dagdag pa ng aktor-host na kasalukyang nasa USA kasama ang ‘It’s Showtime’ family para sa kanilang show dun.

Abante Hiring – IT dep

“Mas encouraging at exciting na magtrabaho. We know, he has been thru a lot and we are here always to support him and join with his victory,” reaksyon naman ng isang top executive ng show na kasama nila sa Amerika.

Sa pagpataw ng guilty verdict ng korte sa grupo nina Lee at Cornejo kaugnay ng kasong grave coercion na isinampa ni Vhong, among the other cases, una nang galak na galak si Direk Chito Roño, na nagsisilbing second father ng aktor-host.

Sa presscon nga ng ‘Signal Rock’ kamakailan ay inamin ni Direk Chito na apek­tado pa rin silang lahat ng mga pangyayari at araw-araw pa rin nila itong inilalaban.

Pero sa tila paisa-isang tagumpay na kanilang nakukuha, unti-unti ding lumilinaw ang pagpanig ng hustisya sa kanila.