Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vhong sabit uli kay Deniece

0 195

Muli na namang binuhay ng Court of Appeals (CA) ang kaso ng rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo sa It’s Showtime host na si Vhong Navarro na nabigyan na ang resolusyon noong 2018 at 2020.

Sa bagong ulat kasi, inatasan ng nasabing korte ang Prosecutor’s Office ng Taguig City na i-file muli ang nabanggit na kaso sa actor.

Sa aksyong ito, ni-reverse nito ang ruling ng Department of Justice na nagpapawalang-bisa sa reklamong inihain kay Vhong noon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Na-dismiss noon ang naturang complaint dahil sa hindi pagkakatugma umano ng mga pahayag ni Deniece sa sinumpaang complaint.

Ang kaso ay inapela ng kampo ni Deniece at noong Hulyo 21 ay nagbigay ng ruling ang Court of Appeals na muling litisin ang kaso.

Dahil dito, siguradong muli na namang pag-uusapan ang bagong development na ito sa buhay ng komedyante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.