Abante Tonite Interactive

Vic, Coco pababagsakin si Vice

By
6,374

Mula mismo sa tagapagpahayag ng Metro Manila Film Festival, sina Vic Sotto at Coco Martin ay magsasama, magkakapit-bisig at magsasanib-puwersa para sa MMFF 2018.

Ayon kay Noel Ferrer, “Nakumpirma ko ito last week at sabi ng nagbalita, sinabihan na nila ang dalawa na huwag nang masyadong gumastos sa effects at iba pang borloloy sa pelikula. Sana ang focus ay sa story. Isang magandang kuwento para sa dalawang haring magsasama.”

Wala pa raw napipiling direktor pero isang masaya at heartwarming na kuwento na may mapupulot na aral at magdudulot ng ligaya sa mga kapamilya at kapuso ang ang tiyak na hahabiin para sa pangmalakasang pagsasamang ito.

Ngayong sina Bossing Vic at Kuya Cardo ay magsasama na, ang reignin­g MMFF Box Office Queen Bayot, si Vice Ganda, ano kaya ang pakiramdam? Masaya kaya siya sa kaganapang ito o nagda­dabog ang kanyang bangs at kahit paano­, ninerbiyos?

Ito na kaya ang magpapatigi­l sa kanyang box-office reign sa MMFF? Ito kaya ang lulumpo sa kany­a sa takilya? O, ang Sotto-Martin ay hindi pa rin kakayani­n ang kanyang fuerza­?