Abante Tonite Interactive

Vic nagparaya kay Coco

9,071

tonite-pak-allan-dionesPinalitan na ang walang dating­ na original title ng Vic Sotto-Coco Martin movie na ‘Popoy En Jack: The Puliscredibles’.

Mas okey na ang bagong pamagat nito ngayon na ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’ pero mas nauna na sa title si Coco at pangalawa na lang si Vic.

Obviously, kaya ganu’n ang orig na title ay dahil dapat mauna ang mas senior na si Vic (na gumaganap bilang Popoy) kesa kay Coco (na gumaganap bilang Jack).

Abante Hiring – IT dep

Pero ang chaka talaga nu’ng unang title, so tama lang na pagbaligtarin ito. Buti na lang ay hindi na­ging isyu ‘yon kay Bossing at okey lang sa kanya na mas mauna ang name ng karakter ni Coco sa title kesa sa kanya.

‘Yung ‘En’ naman sa gitna ay ginawang Em, na pinaiksing pangalan naman ng karakter ni Maine na si Emily, so nandu’n silang tatlo sa title ng movie.

Gaya nina Vic at Coco ay pulis din pala ang role ni Maine, so nag-start na itong mag-firing lesson para marunong siyang bumaril sa maaaksyong eksena.

Ang cast ng ‘Jack Em Popoy’ ay very ‘Eat Bulaga’ meets ‘Ang Probinsyano’ dahil makakasama ng tatlo sina Jose Manalo, Wally Ba­yola, ­Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste, tapos ay ka-join din sina Arjo Atayde, Ryza Cenon, Mark Lapid at PJ Endrinal.

Kasali rin sina Cherry Pie Picache, Ronaldo Valdes­ at Tirso Cruz III sa action-comedy-drama movie na ang sabi ni Bos­sing ay malaki ang budget.

Mukhang maggi-guest talaga si Coco sa ‘Eat Bulaga’ para mag-promote nito dahil hindi siya puwede sa ‘It’s Showtime’ lalo pa’t may sariling entries din sina Vice Ganda at Anne Curtis sa MMFF 2018.

Benjamin nagmukhang macho dancer

Naaliw ang mga netizen sa post ni Benjamin Alves sa Instagram na, “‘Di ko na alam kung mekaniko o macho dancer si Joaquin,” dahil shirtless at labas ang mga pandesal ng karakter niyang si Joaquin, habang inaayos ang nasirang sasakyan ni Claire (Bea Binene) sa isang eksena sa Kapuso morning drama na ‘Kapag Nahati ang Puso’.

Putok na putok ang six-pack abs ngayon ni Ben kaya wagas ang mga pa-topless niya sa nasabing show na napapanood araw-araw bago mag-‘Eat Bulaga’.

Sinorpresa naman ng ‘KNAP’ cast si Sunshine Cruz sa birthday nito kamakailan, na ikinatuwa ng bagong Kapuso actress.

Mas lalo pang iinit ang mga eksena sa ‘Kapag Nahati Ang Puso’ dahil motivated ang cast nito na maki­paglabanan sa ratings.