Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vic nireto si Vico

0 797

Mukhang nainiip na si Vic Sotto na magkaroon ng girlfriend ang kanyang anak na si Mayor Vico.

Talagang nireto niya ito sa isang female politician nang mag-guest sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga .

Mga mayor ang humarap sa celebrity contestant na si Gardo Versoza sa “Bawal Judgmental”.

Dati nang nali-link kay Vico ang female politician na ito na kulang sa PR.

Inurirat nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros kung ano type niyang dyowa?

Biniro rin siya ni Jose kung kailangan bang alkalde ang mapapangasawa niya.

Inurot pa rin ni Manalo kung ano ang gusto niyang pagkain sa meryenda. Bet ba nito ang kalamay? Hindi niya madiretso kung biko ba?

Tanong naman ni Vic kung may nanliligaw ba sa female politician. Sumagot ito na parang wala.

Dun na nagbiro si Bossing at kunwari tinatawagan ang anak.

“Hello Vico! Hello? Diniretso ko na ha.” Sambit niya

Humirit pa rin si Jose na bikong may latik ang darating.

(RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.