Abante Tonite Interactive

Vic at Pauleen, naghahanap ng pangalan sa BIBLE

By
10

AKALA namin hindi na puwedeng magbiyahe si Pauleen Luna dahil mahigit anim na buwan na ang ipinagbubuntis niya.

Pero pinayagan siya ng doktor na magbiyahe sila ni Bossing Vic Sotto pa-Baguio na kung saan merong Ad Congress doon na kailangang daluhan ng Dabarkads ng Eat Bulaga.

Hindi out of the country at malapit lang kaya okay lang daw.

Habang papalapit na ay lalong nai-excite na silang mag-asawa, kaya nag-iingat nang husto si Pauleen.

Inaayos na ang baby shower para sa kanya sa susunod na buwan, at kung medyo mahirap na kay Pauleen ang mag-Eat Bulaga araw-araw, baka mag-leave na rin siya.

Sa ngayon ay namimili pa sila ni Bossing Vic ng ipapangalan sa kanilang baby girl.

Sa Bible sila naghahanap, pero wala pa raw silang napagdesisyunan.

“Baka next week, meron na po kaming mapili,” text sa amin ni Pauleen.

Pagbalik nila ng Maynila ay babalik na rin si Bossing Vic sa shooting ng pelikula niyang pang-MMFF.