Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vic pumiyok sa mga bumastos kay Tali

0 300

NI: ROLDAN CASTRO

Ipinapaubaya na lang sa Diyos ni Vic Sotto ang mga basher at bumabastos sa anak nila ni Pauleen Luna na si Tali.

“Ang importante naman, higit na nakararami ‘yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay,” deklara ni Bossing sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” .

Hinahayaan na lang niya ang mga basher at ilan na hindi natutuwa kay Tali.Iniintindi na lang niya ang mga ito na mukhang hindi happy sa buhay.

“Hindi ko na lang pinapansin ‘yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yon. Mas importante, mas nakararami ‘yung good comments,” lahad pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.