Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vic, Robin , Jericho makamandag kay Korina

0 127

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ang beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez sa “Gabing-Gabi na Vice” ni Vice Ganda.

Sa nasabing online show, natanong sa kanya kung sino para sa kanya ang tatlong matitinik o makamandag na local male celebrities sa showbiz.

Walang kagatul-gatol na sinabi niya na para sa kanya ito ay sina Bossing Vic Sotto, Robin Padilla at Jericho Rosales.

Para sa dating Rated K host, si Vic Sotto ang itinuturing niyang pinaka-sexy sa lahat ng kanyang mga nakapanayam.

Sumesegunda naman dito si Robin Padilla na sa kanya ay lalakeng-lalake at ang machismo ay nag-uumapaw.

Ikatlo ay si Jericho Rosales na bukod sa sexy ay isang magaling at malalim na actor.

Aniya, ang tatlo raw ay hindi lang nagpapakilig sa mga kababaihan kundi may tinatawag na ‘kamandag’ pagdating sa appeal nila sa mga kababaihan at kabekihan.

Sa tinurang ito ni Korina, may bitchy netizen na nagtanong kung mas makamandag ba ang mga ito kumpara sa kanyang mister na si Mar Roxas?

Leave A Reply

Your email address will not be published.