Abante Tonite Interactive

Vice, Anne, Iza at Karylle, hindi pinayagan na dumalo sa wedding ni Dra. Belo

By
Karylle
163
Kris Aquino
Kris Aquino

BAGAMA’T umingay at naging usap-usapan ang pagmi-meeting nina Kris Aquino at Willie Revillame, at ang pagti-team up nila sa isang posibleng “talent show” na mala-That’s Entertainment, ang tanong pa rin ng marami, kebs naman ng tao kay Kris Aquino ngayon?

Baka mas tanggap na lang siya bilang Queen Of Social Media na lang muna.

Kung anuman, OK lang na pa-TV-TV special na lang muna at huwag sa isang regular show.

Kasi, malamig ang reception sa kanya ng madla.

***

Panay na lang ang bati ng mga kaibigan ng ikakasal na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. sa TV shows at sa social media.

Meron sa endorsers nila ay hindi pinayagang lumipad ng Paris (para sa kasal) dahil may pending na trabaho rito.

Kasama na riyan sina Vice Ganda, Anne Curtis, Iza Calzado, at Karylle.

For sure, maraming balita sa pagbabalik ng guests mula sa wedding at pangungunahan ‘yan ng ating mahal — the ever supportive Nanay Lolit Solis.

Sinu-sino kaya ang mahaharbatan niya roon na French Speaking.

***

Wala pa ring dating and needs improvement still ang Coverboys ng ASAP na wala pa rin sa tono at tiyempo ang pagkanta at pagsayaw.

Pilit na pilit at huling-huli ng kamera na wala silang kalatuy-latoy sa pagpe-perform.

Ganu’n din sa karamihan ng skits ng Sunday PinaSaya. Mukha namang prinapraktis, pero kulang pa rin para maitodo ang pagpapatawa.

Anyare sa ating Sunday noontime shows? Hindi puwede ang OK lang, ‘di ba? Sayang!