Abante Tonite Interactive

Vice at mga hurado ng TNT, may favoritism?

By
3,950

Hindi nawawala ang intriga sa katatapos na grand finals ng ‘Tawag ng Tanghalan’.

Nandiyan na ‘yung hindi maiwasang isyu na nagpagpakita umano ng “favoritism” ng ilang hosts lalo na ni Vice Ganda, pati na ang mga hurado gaya nina Jed Madela, K Brosas at Nyoy Volante

Halata raw kasi sa mga interview ni Vice kung sino-sino ‘yung parang pinu-push niya sa mga contenders niya.
Nabibigyan umano niya ito ng extra sweet at extra boost.

Mapapansin din umano sa klase naman ng mga paghuhusga nina Jed, Nyoy, K at Jaya na meron silang itinatangi.

Nakakaloka ang observation ng netizens na kunwa­ring nagbigay raw ng standing ovation sa lahat ng top six contenders, pero nu’ng magbigay na ng individual comments, ramdam na ramdam na meron silang biases.

May mga nagtatanong din kung bakit pinaupo ang lahat ng hurado (except for Gary Valenciano na nagpapahinga pa) gayung hindi naman daw aktibo ang ilan dito during the semis at nu’ng ultimate resbak.

Sey ng mga obser­vers, “para kasing nagkaroon ng equal footing sa grading system between and among those who have witnessed the contenders’ journey sa nagbigay ng grade during the grand finals day lang.”

Well, marami pa kaming nabasang komento kasama na ang teknikal gaya ng sound system at microphones etc..pero natapos ng bongga ang grand finals.
***

Janine bagong Sarah Geronimo

Nagkatotoo nga ang sapantaha ng mga tagasubaybay ng It’s Showtime na ang taga-Visayas na si Janine Berdin ang tatanghaling ikalawang grand champion ng ‘Tawag ng Tanghalan’.

Tunay namang deserving ang pinakabatang kalahok among the top six grand finalists.

Well, para sa amin naman, di hamak na 100% ang improvement ni Janine kumpara sa pinakaunang grand champion na after na masangkot sa iskandalo ay tila lumamlam ang singing career.

At her very young age, siya ang nararamdaman naming susunod sa yapak ni Sarah Geronimo.

Personally, saludo kami sa naging pulso ng mga tao at hurado sa top three na sina Ato Arman, Janine at Steven Paysu. Nang kumanta na sila ng last piece nila, personal kaming naka-relate kay Steven na ‘world-class na world-class’ ang appeal ng boses. Yun nga lang, mas feel namin sana ay si Anton Antenorcruz ang pumasok kesa kay Ato dahil ‘fresh-Looking’ at mahusay na singer.

But then again, sure naman kaming magkakaroon siya ng career. Pati na ang balladeer na si Reggie Tortugo at ang magandang si Arabelle de la Cruz. Mala­lakas ang mga karisma nila at talented.