Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice binasag ang trip ni Ion

0 218

Kung si Vice Ganda ang masusunod, ayaw niyang nagmo-motor ang dyowa niyang si Ion Perez dahil natatakot siya na baka maaksidente ito.

Napag-usapan kasi kahapon sa It’s Showtime ng mga hosts kung sino ang gusto nilang makasama pagkatapos ng show bukod sa pamilya.

Ayon kay Ion, kung papayagan nga lang daw siyang magbalikan sa Tarlac dahil nami-miss na niya ang kanyang ina.

“Para namang ang sama-sama ko,” sabi ni Vice.

Paliwanag naman ni Ion, “hindi, ‘yung araw-araw, kung kaya.”

Sabi naman ni Vice, pwede naman daw basta kotse ang gamit nito at hindi motor.

“Gusto niya kasi, motor. ‘Yung motor niya, ‘yung mabilis kasing motor, ninenerbyos ako,” sey ni Vice.

Siyempre, prone to accidents nga naman ang motor.

“Hindi siyempre, bilang partner, di ba, nakakakaba ‘yun? Minsan, nahihiya rin naman ako sa kanya (Ion) kasi feeling ko, nadadaot ko ‘yung trip niya dahil sa mga kaba ko, sa takot ko. I have to deal with my fears,” ani Vice.

Biro pa ng TV host/comedian, “bibili na lang tayong school bus, hatid-sundo ka,” sabay-tawa.

Si Vice naman, ang mga bakla sa comedy bar daw ang kanyang nami-miss. Wish niya na magbukas na raw ulit ang mga nasabing establishments na siyang pinagkakakitaan ng mga friends niya at siya ring pinanggalingan niya.

“Kasi siyempre, gabi-gabi, magkakasama kami dati, tapos biglang pak, wala. Nami-miss ko na sila. Kaya mga bakla, stay put, magpalakas kayo dahil babalik na tayo,” ani Vice.

Janno siga sa kaaway

SM food to go Banner Ad

Aminado si Janno Gibbs na may pagka-sanggano rin siya tulad nga ng titulo ng pelikula nila nina Andrew E at Dennis Padilla na “Sanggano, Sangggo’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!”

Hindi na niya binanggit specifically kung ano-ano ang mga insidenteng ‘yun pero ‘yung huli raw ay recently lang.

“Magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin n’yo lang,” ani Janno.

Hindi man banggitin, marahil ang tinutukoy ng singer/comedian ay ‘yung part 2 na naman ng away nila ni Kitkat.

Matatandaang last Feb. ay nagkaroon sila ng away nang magkapikunan sila sa show nila sa Net25. Pinag-ayos naman din sila ng istasyon at namatay na rin naman ang issue after a while.

Pero few days ago ay nabuhay na naman ang away nila dahil nagkapikunan na naman sila sa group chat na kinabibilangan nila.

Samantala, ayon naman kay Andrew E. ay hindi pa naman daw siya naging sanggano.

“In 3 decades of being a movie actor, being a rapper, napatunayan ko na po kasi sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista, ang aking pasensiya ay mula dito hanggang buwan.

“So, kahit sinuman, hindi n’yo kayang ubusin ang pasensiya ko po,” sabi ni Andrew.

“My patience is very, very wide and long,” sey pa niya.

Inayunan naman ito ni Janno. Aniya, “si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone. Ako lang siguro ang pinaka-sanggano sa totoong buhay bukod kay Dennis.”

Anyway, nagbabalik ang tatlong komedyante sa 2nd installment ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” na matatandaang unang ipinalabas sa sinehan noong 2019. Nag-hit ang nasabing movie kaya naman ginawan ito ng Viva Films ng sequel na mapapanood sa Vivamax simula sa Dec. 31. Ito ay mula sa panulat at direksyon pa rin ni Al Tantay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.