Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice binuyangyang ang buhok

0 117

Sa isang pambihirang pagkakataon ay ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang totoong buhok. Ito ang grand reveal niya sa kanyang latest vlog na may titulong “Vice Ganda Real Hair Reveal.”

As we all know ay trademark na ni Vice ang pagsusuot ng iba’t ibang wigs at noon pa ay marami na talagang curious na makita kung ano ba talaga ang tunay na buhok nito at kung bakit nga lagi siyang naka-wig. Ang akaka nga ng lahat ay kalbo siya.

At dahil nagpa-scalp treatment siya sa salon ni Ryan Bang, finally ay ini-reveal na niya ang kanyang tunay na buhok.

“So, ayun na, sa lahat ng humihiling na gusto n’yong masilip ang totoong hair ko, ayan na. Ewan ko ba naman sa mga tao kung bakit interesadong-interesado silang makita ang buhok ko,” ani Vice.

In fairness, hindi naman siya kalbo at sabi nga niya, ineeksaherada lang nila kapag nagbibiruan sila kaya akala ng mga tao ay wala siyang buhok.

“Mataas lang ‘yung hairline ko,” aniya.

Noon daw ay makapal naman ang kanyang buhok at marahil daw ay dahil sa stress kaya tumaas ang hairline niya. At dahil dito ay nagkaroon siya ng anxiety.

“Kasi siyempre, pag bakla ka, gusto mo, maganda ang hair mo, no! Nun’g nararamdaman kong parang ang taas na ng hairline ko, nagbigay siya sa akin ng anxiety. Nalulungkot ako, tapos parang kinapitan ako ng hiya. Nahihiya akong makita ng mga tao na mataas ang hairline ko.

“Tinatago ko talaga siya for a time. Tapos ayokong pinag-uusapan ‘yung buhok ko, ‘yung hairline ko, ‘yung ganyan. Parang sobra akong na-insecure. Tapos bumaba ‘yung self-confidence ko,” pagbabahagi ni Vice.

Pero natutunan na rin daw niyang tanggapin ang kanyang buhok.

“Tinanggap ko na siya at in-embrace ko na siya. At saka o, eh ano naman kung ganyan ang hairline ko, maganda naman ang fez ko. ‘Di naman makakabawas sa pagkatao ko ang ganyang hairline,” sey niya.

Dagdag pa niya, “It’s not your scalp. It’s not your hairline. It’s your heart.”

Besides, tinanggap daw siya ng dyowang si Ion Perez na ganito siya kaya wala na raw siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao.

“Umabot na ako sa point na wala na akong pake. Kung love naman ako ng taong love ko, ano pang pake ko sa sasabihin ng ibang tao. Kung ‘di ako tanggap ng ibang tao, wala na kong pake. Ang mahalaga, tanggap at mahal ako ng taong mahal ko,” sabi pa ni Vice.

Manzano pinagbayad ng 10K si Mendiola

Umayon naman si Jessy Mendiola sa sinabi ni Luis Manzano na kapag mahal ‘yung restaurant ay siya nagbabayad.

“Oo, alam n’yo, ginagawa niya ‘yun. Like kunyari, binubudol niya ako na ‘last time ako nagbayad, o ikaw naman ngayon.’ Pero ‘yung mga pinipili niyang restaurant na ako ‘yung magbabayad, ‘yung alam mong dalawa lang kami, P10,000 ‘yung bill,” kuwento ni Jessy.

Pagdating naman daw sa mga luho, ibang usapan na raw ‘yun pero minsan daw ay nagtutulungan pa rin sila.

“Categorically, kaya naming sabihin na hindi one-sided ang gastusan namin. Talagang eksakto, safe to say, hati talaga,” sabi naman ni Luis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.