Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice bumalik ang trauma sa pagbaril ng police

0 118

NI: ARCHIE LIAO

Ayon kay Vice Ganda, bumalik ang kanyang trauma nang mapanood ang video ng krimen sa ginawang pagpatay sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac ng pulis na si Jonel Nuezca.

Aniya, namatay rin ang kanyang sariling ama sa pamamaril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binaril sa Manila ang barangay captain na ama ni Vice noong 1991 na nagdulot sa kanya ng matinding trauma.

Hiling ni Vice na hindi matulad
“Natulala ako matapos ko mapanuod ung video. Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko,” sey ni Vice. Sana’y wag silang magaya sa Tatay ko na di nabigyan ng hustisya. Sana’y wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lng sa tagal ng paghihintay ng katarungan. Sana wala ng makaranas ng kasamaang ito,” “dugtong niya.

Si Vice ay isa sa local celebrities na kinokondena ang walang awang pagpatay sa mag-inang Gregorio.

Humihingi rin siya ng katarungan sa trahedyang sinapit ng dalawa sa kamay ng isang trigger-happy na pulis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.