Abante Tonite Interactive

Vice at Coco mas tunay ang renewal of friendship kesa kina Sharon at Kris

By
5,051

HAY naku, ayoko sanang basagin ang mga trip niyo kasi nga hindi na kayo mga bata pero may renewal ba talaga at totoo ba ang dramang ipinagkakalat?

Sa pakiwari niyo ba, ang balana, dabarkads at madlang people ay buong-buo ang panana­lig na may renewal of friendship na raw sina Sharon Cuneta at Kris Aquino?

Juice colored! Kung kailan pa tumanda na ang dating Madam Chairman at ang dating presidential daughter at sister, dapat ba, hook, line and sinker nating tatanggapin ang kaganapang ito?

Sa kanilang renewal of friendship, lilinaw ba ang tubig sa Ilog Pasig?

Ang mga butanding, dugong at lumba-lumba, hindi na ba isasama sa endangered species list ngayong renewed at revitalized na raw ang kanilang friendship?

Ang halaga ng piso sa merkado, mag-a-appreciate dahil nga bati na sila? Ano ang sagot sa mga katanungan? Alam na alam na, hindi ba.

Kung go for gold nga ang expression nilang dalawa sa kanilang mga social media sites patungkol sa kanilang pagkakamabutihan, agad-agad, magiging mapaniwalain tayo?

Noong wonder years ni Krissy, kung saan walang halong pag-iimbot at buong katapatan niyang inaamin na tagahanga siya nina Sharon at Gabby Concepcion, ibig bang sabihin na the flame of a pagiging fan eh umaapoy pa rin sa kasalukuyan? O sadyang gusto niyang makisakay sa resurgence ng Sharon-Gabby loveteam dahil sa pangmalakasang patalastas?

Burahan na ba sa showbiz history ang mga panahon na si Aquino ay naging kasintahan rin ang unang asawa ni Ate Shawie?

Limot na limot na ba dapat ang pangyayari sa isang kasalan, karay-karay ni Concepcion si Kristine Bernadette tapos ang kasama naman nun ni Cuneta, ang kasintahan niya dating si Richard Gomez.

Kahit mala-stage whisper ang reaksyon niya, the walls in the church have ears at ang reaksyon ni Sharon nung makitang naka-abrisiyete si Kris, na kulot-kulutan ang hairdo, kay Gabo, totoo nga bang may hanash si Cuneta?

Muntik nang minahal ni Sharon si Robin Padilla, at ito namang si Aquino, muntik namang pakasalan ang dating bad boy of the Philippines, kamusta naman iyun? Coincidence o sadyang gaya-gaya, puto-maya si Krissy kay Ate Shawie?

Si Herbert Bautista, naging ka-tandem ni Cuneta sa mammoth hit na Jack En Jill. Si Kris, na-friendzone kay Herbert at tila ayaw palupig ang pag-asa na magiging siya ang tunay na Mrs. Herbert Bautista?

Magkaibigan ba talaga sina Sharon at Kris to begin with? If they were pitted as rivals at cliché or gossip level ang kanilang pinagsamahan, anong ‘friendship’ ang pag-iinitin muli?

Maaari pa sigurong manalig ang diva that you love na may friendship na namumuo sa dalawa kung hindi ito ibinabalandra sa social media. Kung personal silang nagkikita, nagtatawagan sila on a regular basis, luma­labas para manood ng sine o concerts, kumakain sa mga fine dining restaurants privately, baka may chance pang mabuo ang ‘friendship’ nila.

Kung sa social media ang gagawin nilang playground at platform para sa kanilang renewal of friendship, puwedeng isipin na this is just a ‘stunt’ of use me in a sentence proportions. Gamitan para mapag-usapan?

‘Yung posting na, “Real Queens fix each other’s crowns” ay sobrang pretensiyoso at alam na alam na wala sa hulog.

Si Sharon kasi, earned her rightful place as one of the last four movie queens kung saan kasama niya sina Nora Aunor, Maricel Soriano at Vilma Santos.

Ang movie queenship, natapos na sa kanila ni Marya at sumunod sila sa yapak nina Ate Guy at Ate Vi. May pagkakataon pa ngang silang apat ay pinagtagpo at pinagsama sa mga pelikula o kaya nag-perform sa isang awards night.

Si Kris, ang mga title niya na Queen of Talk at ‘yung Queen of All Media, ang network niya dati who disowned her naman ang nagbigay, how can she rightfully say na she is queen when her titles were contested?

Para lang siyang si Bea Alonzo, na marami ang nagdabog ang bangs when proclaimed as the new movie queen.

Sa renewal na ito, sana nga SINSERO at BUKAS SA PUSO, nanggaling talaga sa kaibuturan para puwedeng tumibay at tumagal.

***

ETO ang tunay na may renewal of friendship. Sina Vice Ganda at Coco Martin medyo nayanig raw ang kanilang bromosexual relationship dahil nga sila ang pinagsabong sa MMFF kung saan si Ganda ang nagreyna sa takilya at si Martin, close second but not quite ang paghahari.

Kamakailan, naoperahan si Jose Marie upang tanggalin ang kanyang kidney stones, ang kaibigan niyang si Rodel, nagpadala ng mga bulaklak at prutas.

Posted ni Vice sa kanyang Instagram Stories, ang ipinadala ni Nacianceno.

‘Miss you much’ niya pala ang kaibigan. Pinanood niya si Coco sa isang palabas at napagtanto niyang matagal na silang ‘di nagkikita kaya siya na ang nag-text dito. Siya talaga ang nagpapansin kay Coco na pinansin naman siya in a major, major way, may pa-bulaklak, may pa-prutas pa.

Ang pagbabati nina Vice at Coco, marami talaga ang natuwa kasi nga alam nating lahat na sa simula pa lang, sila ay totoong magkaibigan. Bihira kaya na may straight guy at fairy na mas pinili ang pagiging magkaibigan kesa sa kung ano pa. Ang maganda sa kanila, they make their bromosexual relationship work. Hindi ba tunay na aspirational at inspirational.