Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice ‘di binasura ng ABS-CBN

0 227

NI: VINIA VIVAR

Nakikiisa si Vice Ganda sa pagpasa ng SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity Expression) Equality Bill which is an anti-discrimination bill para sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Naging mainit na naman kasi ang talakayan sa online hearing ng mga kongresista na ginanap last Wednesday at nakabitin pa kung maipapasa bai to.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tweet ni Vice last Thursday ay in-emphasize niya kung gaano siya kapalad na hindi siya na-discriminate ng ABS-CBN pero marami raw ang napapagkaitan ng oportunidad.

“Mapalad ako at di ako nadiscriminate sa ABS-CBN base sa aking SOGIE. Pero di lahat ng kumpanya ay gaya ng pinagtatrabahuhan ko. Maraming napagkakaitan ng oportunidad at karapatan na makapagtrabaho ng dahil sa kanilang SOGIE. Yun ang totoo. Walang loko! #YESToSOGIEBill,” ang tweet ni Vice.

Noon pa ay ipinaglalaban na ni Vice Ganda ang pagpasa ng SOGIE at minsan nang nakasagutan si Senate President Tito Sotto na tutol na tutol sa nasabing bill.

Leave A Reply

Your email address will not be published.