Abante Tonite Interactive

Vice ‘di mahal ni Ion

0 1,721

May pag-asa nga kayang magtagal ang pagmamahalan nina Queen Bayot Vice Ganda at kanyang official knight in shining armor at dyowang si Ion Perez?

Bagama’t marami ang malugod na tinanggap ang kanilang kakaibang romansahan, mas marami pa rin ang hindi nananalig na pangmalakasan ang kanilang relasyon.

Sa true lang, may isang bulag na tsikang umiikot sa isang social media site na hindi mo kailanganing maging PhD para hindi malaman na patungkol ito sa magsing-irog.

May katotahanan kaya ang paandar sa tsikang bulag na diumano, itong si Perez, here, there, and everywhere daw ang chatting and flirting with other affluent members of the pink community?

Nasa hulog nga ba ang pagdududa ng mas nakakarami na “azucarera de mama” niya lamang si Jose Marie, hindi niya talaga “mahal” ito kaya may mga panghaharot ito sa ibang bekibels na para sa mapagmasid, wagas at sagad sa landi?

May katwiran ba ang akusasyon kay Perez? Baka naman fake account ang nakikipag-chat?

Si Jose Marie Viceral ba ay dapat kabahan sa ganitong mga usapin o hindi siya nagdududa at all kay Ion Perez dahil mas kilala niya ang binata, alam niyang mahal siya nito at hindi siya inuuto, ginagamit at mas lalong hindi niloloko?

Hindi talaga madali ang magmahal at magmahalan lalo na nga kung pareho ang inyong kasarian. Laging may pumupuna at naiinggit. Kaya kina Vice Ganda at Ion Perez, laban lang!

Alden pinaiiwas sa mga bading

Dahil nga palaging may mga hubad baro photo si Alden Richards sa kanyang Instagram account, ang sangkabaklaan pati na rin siyempre ang mga kababaihan, happy fiesta.

Nasa tamang hubog naman kasi ang katawan ni Richard at dapat naman paminsan-minsan eh ipakita niya rin ito para naman mas marami ang magpahalaga sa kanyang adbokasiya sa malusog na pamumuhay at kagalingan. Hindi niya ito ginagawa para sa mga hangarin na walang kabuluhan.

Hindi niya intensiyon na patuyuin ang lalamunan, lagnatin at makaramdam ng libog ang mga diwata at sirena na humahanga at pinagnanasaan siya.

Speaking of kabaklaan, napaka-insensitive ng isang “concerned fan” kunyari ni Alden na hinihiling na limitahan nito ang pakikipag-kaibigan sa mga bakla, dahil kalalaking tao nito, pulos bakla ang nasa paligid at mga nagiging kaibigan. May pananalig ang “concerned fan” na “nakakahawa” ang kabaklaan.

Juice colored! Ano ang tingin mo sa mga bakla, sipon na ‘pag may bumahin at ikaw ay katabi, malilipat sa iyo? Milenyo na, ang pagiging bading ba ay parang sore eyes, na makipagtitigan ka lamang sa meron nito, mamaya nagmumuta na at namumula na rin ang mga mata?

“Concerned fan,” na may drama pang “you have nothing” against gays dahil may mga kaibigan ka ring gays at pinsan pa nga, hindi po nakakahawa ang pagiging bakla. Ang nakakahawa ay ang kakitirin ng iyong pag-iisip.

Huwag mo nang idamay pa ang isang mabuti at mabait na lalaking tulad ni Alden Richards sa lason na pinaniniwalaan mo.

Liza susunod na Pinay Ms. Universe

Ang ating 3rd at 4th Ms. Universe winners, sina Queen Pia Wurtzbach at Queen Catriona, ay very vocal sa pagsasabing si Liza Soberano, has what it takes to become the next Ms. Universe.

Hindi naman kataka-taka kung may ganitong vote of confidence ang dalawa nating reyna kay Soberano. Si Liza naman talaga ang pinakamagandang aktres sa kasalukuyan. Smart pa at hindi puwedeng itanggi na articulate at best in conversational English.

With the right training and perfect timing, kumbaga dapat hindi hinog sa pilit, more chances of winning nga siya na maging Ms. Universe sa malapit o malayo pang hinaharap.

Sa true lang, parang flattered at tickled pink naman si Soberano na may kumpiyansa at pananalig sa kanyang alindog, kariktan at kakayahang marahuyo ang mga international beauty panel, sina Wurtzbach at Gray.

Sa kanyang mga panayam, hindi naman siya against sa ideya kaso, ang concentration niya sa kasalukuyan ay ang magpaka-aktres with the hope na magiging dakila at mahusay siya sa larangang ito. Walang duda na she does not want to be dismissed as another pretty face and figure pero wala namang binatbat sa pag-arte.