Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice ‘di nagpaputol ng ari

0 100

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang naaliw sa vlog ni Negi nang maging panauhin niya ang kaibigan niyang si Vice Ganda.

Pinagtulungan nila ni Petite na ilagay sa hot seat ang komedyante nang isalang ito sa lie detector test.

Isa sa mga naitanong kay Vice ay kung nakapag-avail na raw ba ito ng extra service sa isang lalakeng masahista.

Ani Vice, never daw niya itong ginawa dahil di niya raw trip ang ganoong serbisyo.

SM food to go Banner Ad

Sey pa niya, never pa rin daw siyang nakapag-cheat sa boyfriend niyang si Ion Perez.

Hirit pa niya, kahit daw sa social media ay never siyang nakipaglandian sa ibang lalake.

Sa katanungan naman kung may balak siyang magka-baby, hindi naman niya ikinaila ito.

Tinitingnan daw niyang opsyon ang magkaroon ng anak the natural way o kaya’y ang pag-aampon.

Sa question naman, kung operada na ba siya o nagpatanggal na siya ng ‘junjun’, nananatiling in tact pa raw ang kanyang sex organ.

Leave A Reply

Your email address will not be published.