Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice durog kay Ben Tulfo

0 283

Durog na durog si Vice Ganda kay Ben Tulfo.

Ito’y dahil sa sinabi niya patungkol sa mahihilig mag-post ng Bible verse sa social media pero sumusuporta naman sa magnanakaw.

Sa Sept. 28 episode ng Pambansang Sumbungan, pinalagan ito ni Tulfo. Isina-ere pa ang sound bite ng naging statement ni Vice.

Ayon kay Tulfo, pinersonal niya ang sinabi ni Vice dahil sa show niya ay gumagamit sila ng Bible verse.

“Kami ho sa Bitag nabubuhay po kami doon sa Bible verse na pinanindigan ho namin. Hindi ho kami basta nagpo-post na hindi ho namin pinaniniwalaan ‘yun,” aniya.

SM food to go Banner Ad

Hindi raw sila gumagamit ng Bible verse para magpa-impress kundi para maghayag ng pananalig sa Panginoon.

Dagdag niya, hindi dapat nilalahat ni Vice at dapat nilinaw ang naging pahayag.

“Maraming tulad ni Vice at kanyang mga kung sinumang chiwariwariyap nagsasalita siguro kasi wala nang masabi sa kanilang mga palabas na walang katorya-torya. Kaya pati itong ginagawa ho namin nadadamay,” sambit ni Tulfo.

“Hindi lahat ng nagpo-post ng Bible verse para lang sa sinasabing yabang, arte, chorva, hindi kami ganoon Vice,” dagdag niya.

Tinawag din niyang “dilawan na balimbing” si Vice dahil dati raw ay sinusuportahan nito si Pangulong Rodrigo Duterte pero nagbago nang mapasara ang istasyon nitong ABS-CBN.

Bukas ang panig ni Vice sa mga pahayag ni Ben Tulfo. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.