Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice Ganda kinasahan ni Quiboloy

0 558

Pinalagan ni Pastor Apollo Quiboloy ang lumabas na artikulo sa isang social media fan page ng ABS-CBN.

Sa inilabas na artikulo ng Kapamilya Kingdom, inakusahan si Pastor Quiboloy ng pagiging homophobic o galit umano sa mga homosexual, at binanggit din ang umano’y panggagahasa sa isang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ noong 2014.

May pamagat ang artikulo na “Homophobic pastor na si Apollo Quiboloy, sinupalpal ni Bro. Eddie C. Villanueva.”

Nag-ugat ang isyu sa pagkuwestiyon ni Pastor Quiboloy sa kasunduan ng ABS-CBN at Zoe TV na ipalabas ang mga Kapamilya program sa pagmamay-aring A2Z Channel 11 ni Bro. Eddie kasama ang “It’s Showtime” kung saan host si Vice Ganda.

Oktubre 13 ay naglabas ng komento tungkol doon si Pastor Quiboloy at sinabing hindi siya kundi isang concerned Jesus Is Lord (JIL) member ang kumuwestiyon sa kasunduan at ipinaabot lang niya kay Bro. Eddie.

Tinanong umano sa kanya ng concerned JIL member kung kinukunsinti ba ng isang religious leader na katulad ni Bro. Eddie na ipalabas ang show na nagpapakita ng homosexuality.

Giit ni Pastor Quiboloy sa Kapamilya Kingdom at sa iba pa niyang kritiko, na huwag siya ang tirahin dahil hindi naman siya ang nagtanong sa ABS-CBN at Zoe TV deal, at hindi rin aniya siya galit sa mga homosexual.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi ako homophobic. Kung homophobic ako, walang mga homosexual na naririto, tinanggap ko, nagbago. Isang komunidad sila rito, ang dami nila,” wika niya sa video na ipinalabas sa FB page ng DZAR 1026.

Pinag-aaralan na umano sa ngayon ng legal team nila na kasuhan ang naturang FB page.

“Homophobic is libel. Libelous ‘yan. Kaya pinag-aaralan ng aming mga legal ito sa inyong sinabing, inakusahan niyo akong homophobic. Hindi totoo `yon,” wika niya.

“Mayroon kayong legal accountability dito. Binanggit ninyo itong inakusahang nanggahasa ng miyembro, libelous ‘yan, cyber libel ‘yan. Inulit na naman ninyo homophobic ako libelous din ‘yan. Three counts na ‘yan ha, homophobic, nanggahasa ng miyembro at inakusahang rapist,” dagdag niya.

Hindi rin niya nagustuhan na pinag-aaway sila ni Bro. Eddie at hindi umano siya sinupalpal nito kundi sumagot lang.

Samantala, nagpatama muli si Pastor Quiboloy kay Vice Ganda matapos mapikon sa lumabas na artikulo sa FB fan page ng ABS-CBN.

“Nabanggit ninyo si Vice Ganda, ngayon masama ang loob ninyo. Sino ba ang unang naghamon sa akin. Hindi ko kayo pinakikialaman sa ABS-CBN. Wala akong pakialam sa inyo kahit dinudurog pa ninyo ako sa mga balitang fake news noon pa ‘yan ha. Pinagpasensiyahan ko kayo,” sabi ni Pastor Quiboloy. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.