Abante Tonite Interactive

Vice Ganda natakot kina Dingdong, Richard

By
0 679

Ginagarantiya ni Vice Ganda na tonite-imo-vinia-vivarkahit mga drama actors ang mga kasama niya sa Fantastica na sina Dingdong Dantes and Ri­chard Gutierrez, sobrang nakakatawa raw ang mga ito sa naturang pelikula to the point na natakot na siya.
“Si Dong at si Chard, nakakatawa po sila rito sa pelikula. Malayong-malayo sa mga karakter na pinortray nila sa napakarami nilang pelikula before. Ito talaga, pinanindigan nilang comedy po itong pelikula na ginawa namin at nakakatawa.
“Sa sobrang dami ng eksena nilang nakakatawa, natakot na ako kalagitnaan,” pahayag ni Vice Ganda sa presscon ng Fantastica held last Tuesday night.
“Pini-preview ko, sabi ko, “teka lang, ha,” kasi sinigurado namin na maganda ‘yung mga magagawa namin kay Dong saka kay Richard, nu’ng napanood na namin, sabi ko, “teka lang, masyado yata tayong nagko-concentrate kay Dong at saka kay Chard, parang mas nakakatawa ‘yung eksena nila kaysa sa mga eksena ko.” Kaya nun’g mga sinunod na sinulat namin, puro eksena ko muna.
“Naniguro ako kasi, nakakatawa ‘yung mga eksena nila, kasama na rin ‘yung mga loveteams, nakakatawa at nakakakilig,” sey pa ni Vice.
Bukod kasi kina Dong at Chard ay kasama rin dito ang tatlong sikat na young loveteam ng ABS-CBN na sina DonKiss (Donny Pa­ngilinan at Kisses Delavin), LoiNie (Loisa Andallo and Ronnie Alonte) at MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber).
Patuloy pa ng Unkabogable Star, “walang halong pang-e-echos, walang halong pangbubudol, walang halong pangraraket, di namin kayo niraraket, nakakatawa po ito. It’s worth your money and your time.”

Komedyante nagbirong mamamatay

Sobrang happy and excited naman nina Dong and Chard to be part of the movie na ngayon lang nagkasama sa isang pelikula at first time ring nakasama si Vice Ganda sa isang movie.
“Ako, ‘yung opportunity na ito, very special para sa akin, kasi una, ngayon lang ako makakagawa ng pelikula, of course, with “the” Vice Ganda at sa Pasko pa,” sabi ni Dong.
“And pangalawa,” patuloy pa niya, “siyempre, for the longest time, eh gusto ko ring makatrabaho si Richard Gutierrez dahil matagal kaming nagsama sa GMA at nagsama kami noon sandali sa pelikula niya, sa “Mulawin, The Movie” pero maigsi lang.
“Eto lang talaga ‘yung naging pagkakataon para magsama kami at ang kagandahan pa du’n, sa isang comedy film pa with all these brilliant actors.
“So, tama nga, eh. Hindi siya porke’t Kapuso, Kapamilya, Kapatid, basta’t para sa Pasko, ibibigay namin lahat para sa audience.
Sabi naman ni Chard, unang beses pa lang daw na narinig niya na gagawa siya ng movie for Christmas with Vice Ganda and Dingdong, na-excite na agad siya.
“Siyempre, wala nang atrasan ‘yun, game na. Tapos, comedy pa. It’s an opportunity of a lifetime, and ‘yung mga ganitong klaseng concept na comedy, for Christmas, pangbata, pang-buong pamilya, bihira dumating ‘yung ganu’ng klaseng opportunity.
“So, this is the best, I think, opportunity for me for Christmas – makasama si Vice, makasama si Dong at ang lahat ng cast and si direk (Barry Gonzalez),” ani Chard.
Pagbibiro naman ni Vice Ganda, sinabi lang daw niya sa dalawang aktor na mamatay na siya kaya pumayag ang mga ito.
“Sinabi ko lang, Dong, Chard, mamamatay na kasi ako, kailangang gumawa tayo ng pelikula. Charot lang,” sabi ni Vice na natatawa.
Dagdag pa niya, talagang nanigurado na raw siya sa pelikulang ito kaya sinama na niya ang dalawa.
“Oo, naniguro. Eh minsanan lang, no, di isama mo na ‘yung dalawa,” aniya.
Ang Fantastica ay showing na sa Dec. 25 bilang isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2018. Aside from Dong, Chard and the 3 loveteams, kasama rin sa movie sina Bela Padilla, Jaclyn Jose, Chokoleit, Lassie at marami pang iba.