Abante Tonite Interactive

Vice Ganda, pampaelya sa ‘Ang Probinsyano’

164

PAMPAELYA si Vice Ganda sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Ella, ang lider ng online scammers na nagpapanggap bilang mga babae upang makakuha ng pera mula sa foreigners.

Kasama siya sa Scammer Squad sina Pooh, Chokoleit at Thou Reyes.
Sa unang pagtatagpo nina Cardo (Coco Martin) at Ella habang umuulan, peg nila sina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.

Ano bang pangabog na panganib ang dala ni Ella’ng gandara ?

Mapigilan kaya ng astig na si Cardo (Coco Martin) na mahumaling kay bangis-bangisang Ella?

Bukod sa cyber scam, tampok din sa top-rating series ang kaso ng iligal na pagkatay ng aso na pinangungunahan ng mga karakter nina Emilio Garica, Manuel Chua at Kiko Matos.

Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero u­nong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsya­no, gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Coco Martin
Coco Martin

Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.