Abante Tonite Interactive

Vice Ganda todo suporta kay Diokno

412

Todo suporta ang Showtime host na si Vice Ganda sa kampanya para sa Senado ng human rights lawyer na si Chel Diokno.

“Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKN­O. Iboboto ko sya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya,” sabi ni Vice sa kanyang post sa Twitter nitong Huwebes.

“Sana maisama nyo rin sya sa iboboto nyong 12,” apela pa ni Vice sa kanyang Twitter followers.

Bukod sa pangunguna sa mga kabataan sa mock elections sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa, at sa mga batang botante naman sa social media dahil sa kaniyang mga makataong pananaw sa mga isyu sa bansa, dagsa rin ang suporta ng mga aktor at celebrity para kay Diokno ngayong papalapit ang eleksyon.

Ilan lang sa mga “CHELebrity” na sumuporta o nag-endorso kay Diokno sina Kris Aquino, Vilma Santos-Recto, Dingdong Dantes, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Jaime Fabregas, Janine Gutierrez, Pepe Herrera, Chito Miranda, Ebe Dancel, Bullet Dumas, at Johnoy Da­nao ng 3D, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cookie Chua, Medwin Marfil ng True Faith, Bituin Escalante, at Buddy Zabala.