Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice hinamon na makipagdebate kay Roque

0 917

Kaugnay sa pag-back out ng Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon na pagdebatehan nila ng Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang usapin tungkol sa West Philippine Sea,sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito raw ay ginawa ng Presidente bilang pagtalima sa payo ng Ilang senador at mga miyembro ng gabinete.

Bilang pagsunod daw sa direktiba ni Digong,siya raw ang naatasang pumalit dito para makipagdiskusyon sa legalidad ng karapatan ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo kay Carpio.

Ani Roque, tinanggap daw naman niya ang hamon na makipagdebate sa dating mahistrado ng Korte Suprema.

Sa kaso naman ni Carpio, tumanggi rin siyang makipagdiskurso kay Roque dahil may mga isyung iginigiit ang kabilang kampo na wala raw sa nauna nilang argumento, kaya mawawalang-saysay lamang ang lahat kung ito’y itutuloy.

Reaksyon naman ng ilang netizens,,bet daw nilang matuloy ang debate pero si Vice Ganda ang hinahamon nilang kakatawan kay Carpio para makatunggali si Harry Roque.

Giit naman ng ilan,malamang umatras daw ang It’s Showtime host kay Roque dahil isa itong DDS.

Hirit naman ng ilan, huwag daw pangunahan si Vice dahil kaya naman nitong manindigan kung woke na ito.

@@@

Gerald ‘daks’

Naging topic sa online show nina Ogie Diaz at Loi Villarama si Gerald Anderson.

Hindi napigilang magkomento ng manager ni Liza Soberano na grabe ang kamandag ng Fil-Am actor dahil naging ex niya sina Kim Chiu, Maja Salvador, Bea Alonzo .

Sey pa niya, gifted daw o ‘daks’ si Gerald.

Inurirat naman ni Mama Loi si Mama Oggs kung bakit niya nasabing well-endowed ang actor.

Hirit niya,may mga taong nakakakilala raw sa aktor ang nagsabi sa kanya tungkol sa nag-uumapaw na hotness nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.