Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice hindi napurdoy kay Ion

0 392

NI: ALWIN IGNACIO

Palakpakan na may kasamang sigawan ang ibibigay ngayon sa nag-iisang Queen Bayot Vice Ganda. Talagang in a major, major way ang sorpresang ibinigay niya para sa kaniyang pamilya.

Sakalam si Jose Marie dahil bago at mas malaking bagay ang kanyang regalong handog para sa Viceral family,

Shookt nga ang kanyang nanay Rosario at inakala pa nito na joke time ang kaganapan. Ang buong alam kasi ng mga taga-house of Viceral, eh hapunan lamang ang kaganapan para sa kapatid na doktora ni Vice na may kaarawan.

Perfect birthday gift para sa kanyang ate, at sa buong angkan siyempre pa ang bahay na ibinigay ni Ganda.

Siguro naman, ngayong bahay ang iniregalo ni Vice sa kanyang la familia, tatahimik na ang mga dudosa at katkatera na “iba” ang habol ni Ion Perez sa komedyante. Sampal na pagkalakas-lakas at tadyak ito sa mga nanalig na ‘uubusin’ umano ni Perez ang ‘yaman’ nito. Ngayong alam niyo na ang top priority ni Vice. Masinop ito sa kanyang earnings.Naway ang mga may inggit at suklam sa relasyon nila ni Perez ay kikilos na ayon sa kanilang ganda, hindi ba naman?

Aspirational at inspirational ang ginawang ito ni Vice Ganda para sa kanyang nanay Rosario at buong pamilya. Ito talaga ang sana all reyalidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.