Abante Tonite Interactive

Vice-Ion ‘di nagpahuli sa LizQuen, AshMatt V-day pasabog

0 860

Napuno ng mga Valentine greetings ng mga artista sa kani-kanilang asawa/karelasyon/magulang at sa publiko na rin ang Instagram feed namin kahapon sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Kanya-kanyang Valentine messages ang mga celebrities – may madrama, may corny, may simple, may sweet at may nakakatawa.

Isa sa pinaka-sweet (although may pagka-cheesy rin) naming nabasa ay ang Valentine message ni Enrique Gil sa girlfriend at ka-loveteam na si Liza Soberano.

Lumalaban din sa sweetness ang Valentine greetings ni Matteo Guidicelli for girlfriend, Sarah Geronimo at kasabay nito ang good luck message sa 2-night (Feb 14 and 15) Valentine concert with Regine Velasquez.

“Happy happy valentines my love!! I got you forever. 😊 Tonight and tomorrow is your night!! God bless your show with Ms @reginevalcasid! It will be AMAZING!!!!!” ang pagbati ni Matteo kay Sarah.

Nakakatuwa naman ang post ni Billy Crawford ng mga larawan ng asawang si Coleen Garcia habang natutulog ito sa train.

“To my forever fun date, Happy Valentines Day! We really have no clue what’s in store for us but I must say, I enjoy loving you and caring for you. I love you so much my gorgeous and sexy wife! Cheers to Forever,” caption ni Billy.

Ang sweet din naman ng sagot ni Coleen: “I knew you were saving those photos for something! 😂 I LOVE YOOOUUU! Thank you for making me feel so loved and special ALL the time, and for making every day even better than Valentine’s Day.”

Hindi rin nagpahuli si Vice Ganda at binati niya ang dyowang si Ion Perez.

“Our love doesn’t have to be the same with yours. Every love is unique and special. Love is not supposed to be mediocre. Happy Valentines Day!!” post ni Vice.

Bongga rin ang greetings ni Sarah Lahbati sa soon-to-be-husband na si Richard Gutierrez.

“It’s always valentine’s day with you. 🌹i am so blessed to have you in my life, my soon to be husband my best friend & the best dada to zion and kai. thank you for everything that you do for all of us. i love you, mahal! excited for what God has in store for us! (advance) happy valentines, @richardgutz ,” ang message ni Sarah for Chard.

Nag-post naman si Chard ng mga larawan nila ni Sarah at nilagyan lang ng isang heart emoji sa caption.

Ipinost naman ni Marian Rivera ang bouquet of flowers na natanggap mula sa asawang si Dingdong Dantes at nagpasalamat sa mister.

“This is what welcomed me in my HQ today ☺️ Even if I own a flower shop, I still get excited and happy whenever I receive flowers but this one is extra special because it’s from Dong— “Mi Amor”. Thank you for the beautiful flowers and sweet letter mahal ko,” ang caption ni Marian.

As always, isa rin sa consistent sa pagbati sa girlfriend every year ay itong si Luis Manzano.

“Happy happy Valentine’s to my partner in everything! We will always be Ms. Palambing to Mr. Malambing howhow you!” ang mensahe ni Luis para kay Jessy Mendiola.

Zaijan crush si Cristine

Dahil binata na si Zaijian Jaranilla, open naman ang aktor na magkaroon din ng ka-loveteam. Kung ano raw ang ibigay sa kanya ng Kapamilya management ay okay naman daw sa kanya.

Natanong nga kung halimbawang papipillin siya ng ka-loveteam ay sino ang preferred niya, aniya ay hindi naman daw siya mapiling tao kaya kahit sino raw ay okay sa kanya.

“Hindi ako choosy. Kahit sino ang i-loveteam sa akin, go lang ako,” sey niya sa Kapamilya Confession online interview.

Pero inamin niyang ang first celebrity crush niya talaga ay si Cristine Reyes.

Marami rin ang nagtatanong kung kailan ba siya ulit magkakateleserye dahil huli pa siyang napanood sa Bagani. Inanunsyo niyang kasama siya sa upcoming series na What Matters Most with Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano, Iza Calzado and Sam Milby.

Pero habang hindi pa nagsisimula ay mapapanood muna ang young actor ngayong Sabado, Feb. 15 sa Ipaglaban Mo sa episode na pinamagatang Budol.

Gagampanan ni Zaijian ang role na anak ng karakter ni Carmi Martin na nabudol nang sabihan ng isang pekeng fortune teller na may nakabaong ginto sa ilalim ng bahay nila. Mula naman ito sa direksyon ni Avel Sunpongco.